Klase sa Cebu, Bohol, Albay suspendido sa super bagyo

MANILA, Philippines - Kabubukas pa lamang ng klase nitong Lunes ay suspendido na naman ang klase sa Cebu at Bohol ngayong Huwebes at Biyernes.

Matatandaang nagsus­pinde na ng kanilang mga klase ang mga nasabing lalawigan simula pa noong Oktubre 15 matapos yanigin ng magnitude 7.2 lindol at nagbalik-klase lamang nitong Lunes, Nobyembre 4.

Ayon sa Department of Education (DepEd), suspendidong muli ang klase sa lahat ng antas sa mga naturang lalawigan, gayundin sa Albay at Mandaue City, ngayong araw hanggang bukas kasabay nang inaasahang paghagupit doon ng super typhoon Yolanda.

Show comments