14 partylists proklamado na

MANILA, Philippines - Pormal nang naiprok­lama kahapon ng umaga ng Commission on Elections (Comelec) ang 14 nanalong party-list groups sa isinagawang seremonya.

Kabilang sa mga ito ay ang Buhay; A Teacher; Bayan Muna; 1 Care;  Akbayan;  Ako Bicol;  Abono; OFW Family;  Gabriel; COOP NATCCO; AGAP; Cibac; Magdalo at An-waray.

Ang mga nasabing partylist ay magkakaroon ng tig-isang kinatawan sa Kongreso matapos makakuha ng sapat na boto.

Plano naman ng Comelec na ianunsiyo sa susunod na linggo ang 44 pang party-list groups na kukumpleto sa 58 grupo.

Nakabinbin pa rin ang proklamasyon sa mga diniskwalipikang grupo na may mataas na nakuhang boto kabilang ang Senior Citizen partylist na pasok sa top 10.

 

Show comments