^

Bansa

‘Shabu sa Pajero’ itinanggi ni Almeda

Gemma Garcia/Butch Quejada/Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng dating staff ni Ang Galing Pinoy partylist Rep. Mikey Arroyo na mayroon siyang kinalaman sa sasakyang gamit ng naarestong Amerikano na sangkot sa pagbebenta ng illegal na droga.

Sa isang statement, sinabi ni Atty. Antonio Almeda na naibalik na niya ang Mitsubishi Pajero na inisyu ng National Power Corporation noong nagtatrabaho pa siya kay Arroyo na dating chairman ng House Committee on Energy.

Paliwanag ni Almeda, taong 2009 pa niya isinoli ang sasakyan sa Napocor pagkatapos magsilbi kay Arroyo at simula noon ay wala na umano sa kanya ang pa­ngangalaga sa Pajero at hindi na rin niya ito nagamit.

Idinagdag pa nito sa kanyang pagkakatanda umano ay inutusan niya ang kanyang driver na ibalik ang Pajero at binigyan pa ito ng checklist ng Napocor patunay ng delivery ng sasakyan sa ahensiya.

Itinanggi rin ni Almeda na kilala niya ang Amerikanong si Brian Hills na sinasabing gumamit ng Pa­jero sa paghahatid ng shabu sa kanyang kliyente.

Sinabi naman ni Atty. Jay Flaminiano, abogado ni Almeda na hinahanap na nila ang resibo na inisyu sa kanila ng Napocor na siyang nagpapatunay na na­ibalik na nila ang sasakyan sa nasabing ahensya.

 

vuukle comment

ALMEDA

ANG GALING PINOY

ANTONIO ALMEDA

BRIAN HILLS

HOUSE COMMITTEE

JAY FLAMINIANO

MIKEY ARROYO

MITSUBISHI PAJERO

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with