'Isang' nag-iwan ng 2 patay

MANILA, Philippines – Dalawang bata ang iniwang patay ng bagyong “Isang,” ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes.

Pinangalanan ng NDRRMC ang dalawang biktima na sina Rhea Jane Maseliones, 8, at Raymund Jay Maseliones, 11.

Masuwerte namang nabuhay ang dalawa pang biktima ng kidlat na sina Evelyn Cabarsi, 31, at Elejo Cabarsi, 23.

Base sa imbestigasyon ay tinamaan ng kidlat ang dalawang biktima bandang 9:10 ng gabi sa Barangay Farola, Bantay, Ilocos Sur.

Nanalasa ang bagyong Isang nitong Martes at lumabas ng Philippine Area of Responsibility kahapon.

 

 

Show comments