Magsasaka nahulihan ng droga sa Cavite

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang magsasaka sa Cavite matapos mahulihan ng marijuana at shabu.

Nadakip ang 48-anyos na si Cesar Añate noong Abril 21 sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Agripino Morga, Executive Judge ng Regional Trial Court Branch 32, San Pablo, Laguna.

Sinugod ng PDEA Special Enforcement Service, PDEA K-9 Unit at Bacoor City police ang bahay ni Añate sa Nursery Compound, Brgy. San Nicolas II, Bacoor Cavite.

Nakuha kay Añate ang 15 gramo ng hinihinalang shabu at walong gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P54,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.

Show comments