^

Para Malibang

Zombie Family (228)

Gilda Olvidado - Pang-masa

ANG mahirap paniwalaan ay ang mga body parts pa ni Marga ang nakakatulong para ayusin ang mga half-zombies na mga anak.

Walang kapaguran sa pagbabantay sa magkapatid na teenagers. Siksikang pinapaikutan ang mga ito.

Hindi makalabas sa kanilang circle.

Hindi makatakas para maghanap ng taong mapapatay at makakain.

Hindi makakaalis sa isla.

Hindi makakalangoy sa dagat para puntahan ang navy ship sa laot. Na may mga sundalo.

On alert para barilin ang on sight ang mga anak nina Marga At Herman.

SI HERMAN ay naaawa rin naman sa kanyang mga anak.

Saksi siya ng pagkakagutom ng mga ito. Sumi­sigaw, nagagalit, nagmamakaawa.

“Palabasin n’yo na kami! Gutom na gutom na kami!”

“Mamamatay kami sa gutom!”

“Hindi namin makakain ang mga walang kakuwenta-kuwentang pagkain na ‘yan! Mga karneng walang lasa! Mga karneng ang pangit ng amoy!”

“Kung mahal mo kami, Dad … paaalisin mo kami sa isla! Huwag mo kaming patayin sa gutom!”

Pero parang walang narinig si Herman kahit pa naluluha siya sa mga sinasabi ng dalawang bata.

Patuloy lang siya sa panghuhuli ng isda. May mga niluluto. May mga sariwa.

Pinapadala niya sa mga body parts sa harapan ng kanyang mga anak.

“Pag nagugutom sila, alam ko, kakainin din nila ang mga ‘yan. Ganoon lang talaga ang umpisa. Hirap muna.”

MAY napadpad na higentang pugita sa tabing-dagat, naghihingalo na.

“Huwag ninyo siyang galawin. Irerespeto natin ang buhay niya. Inaasahan kong makakaligtas pa siya. Hindi natin siya gaga­wing pagkain ng mga anak ko dahil buhay pa siya.”

Pero maya-maya ay bumigay na rin ang buhay ng malaking pugita.

Bumulong sa anak na babae ni Herman ang anak na lalake ni Herman. “May naaamoy ka bang parang kakaiba? Parang sariwa, parang mabango?”

Nanlaki ang mga mata ng kapatid na babae. “Oo, meron nga. Dugo! Dugo na kaparehong-kapareho sa pagkain natin! Laman na halos wala ring kaibahan sa panagot natin sa ating gutom!”

Ito na nga bang pugita ang kakainin nila kapalit ng karne ng tao?

- ITUTULOY

vuukle comment

ZOMBIE FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with