^

Para Malibang

Tenga ng isang lalaki ginawang pugad ng gagamba!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Naranasan niyo na bang mapasukan ng kung anong bagay sa loob ng inyong tenga? Madalas diyan ay langgam, bulak o kaya naman ay tubig, pero kakaiba ang nangyari sa isang lalaki mula sa China.

Nagpasuri ang hindi na nagpakilalang lalaki sa malapit na ospital sa kanila dahil diumano sa problema sa kanyang tenga. Natuklasan ng mga doktor na meron palang gagamba na gumagawa diumano ng pugad sa loob nito.

Ayon sa lalaki, nakaramdam daw siya ng matinding kati sa loob ng kanyang tenga at nakakaapekto na raw ito sa kanyang pang-araw-araw na buhay.

Sa unang tingin ay hindi mo raw ito makikita agad.

“I didn’t notice it when inspecting his ear with the naked eye

“However, using an endoscope, I discovered the small spider inside,” paliwanag ni Dr. Zhang Pan ng Affiliated Hospital of Yangzhou University.

Nakita sa camera ang gagamba na gumagawa ng makapal na sapot sa paligid ng ear canal ng biktima. Hindi ito agad nakuha dahil masyadong mabilis, kaya naman kinailangan na lang itong lunurin para mamatay at lumabas ng kusa.

Nagpayo naman ang mga doktor na ugaliing maglinis ng tenga at palaging magpatingin pag may kakaiba nang nararamdaman.

vuukle comment

GAGAMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with