^

Para Malibang

Mapalad na estudyante ng mga OFW

BUHAY OFW - Pang-masa

Naiiwan ang mga anak ng  mga overseas Filipino workers sa bansa na ang reklamo ay kulang sa oras, atensyon, at pagmamahal ng kanilang magulang. 

Sa ibang tao ang ti­ning nila rito at blessing in disguise dahil  sa pagpapa­dala ng cash remittance nina nanay at tatay ay nabi­bigyan ang mga anak ng pribilehiyo na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ngayong pasukan ang mga anak ng OFW ay may bagong sapatos at uni­porme, kumpleto ang gamit, afford na makapag-aral sa private schools na naka-air condition ang classrooms, at nakakakain sa mga mamahaling restaurant.

Hindi alam ng mga estudyante ng OFW na ang kanilang tatay at nanay ay nagtitipid sa pagkain at budget, nahihirapan matulog, at panay ang overtime o cancelled day off para lang may maipadalang pangpaaral ng kanilang mga anak.

Hiling lang ng mga magulang na OFW na hindi sayangin ng kanilang mga anak ang sarkipisyo at pagkakataon na tinatamasa ng mga bata. Dahil walang ibang hangarin ang magulang na titiis ang lahat makapagtapos lang ang mga anak sa kanilang pag-aaral.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with