^

Para Malibang

Multong Bahay (77)

Gilda Olividado - Pang-masa

NATIGILAN ang mul­tong buhay.

Magagawa nga ba niyang sirain ang dati niyang katawan?

Paano pa siya maka­kabalik doon?

Habang buo ang da­ting Agyana, malaki ang pag-asa na siya ay magi­ging tulad ng dati.

Nakita naman ni Agyana na nahawakan niya ang kalooban ng multong buhay.

Itinuloy niya ang pagkukumbinsi rito. Nang buong katapatan.

“Multong buhay, ikaw si Agyana, alam naman nating pareho ‘yan. Inalis nga lang ikaw sa dati mong katawan na ibinigay sa iyo ng Diyos. Pinayagan ng Diyos ang mga kaluluwa ng iyong mga kanunu-nunuan dahil naiintindihan Niya ang intensiyon nila. Gusto ka lang nilang magbago habang hindi pa huli ang lahat. Dahil kapag kinuha ka ng kamatayan na masama pa rin ang iyong pagkatao, hindi ka man lang mapupunta sa kalbaryo. Kundi sa impiyerno.”

“Kapag nagbago ba ako sa araw na ito, makukuha ko na ang katawan na ‘yan?” Demanding na nagtanong ang multong buhay.

Ang boses niya ay nakakapangilabot.

Si Kerubina ay nagtakip ng mga teynga.

Pero tulad ni Agyana, hindi rin siya takot.

Tiim-bagang na umiling si Agyana. “Hindi ganoon kadali iyon. Ang pagbabago ay hindi nakukuha sa mabilisang disisyon. Dahil maaring lip service lang ‘yon. Hindi ramdam ng puso kaya hindi mapapanindigan.”

“Patagalan pala ang pagpapa-impress sa inyo para makuha ko ang akin naman talaga!”

“Multong buhay, magsisi ka muna. Iyon na ang unang solidong hakbang ng iyong pagbabago. Huwag ka munang humingi ng bunga, magtanim ka muna.”

“Hindi! Niloloko n’yo lang ako! Ang totoo, inggit kayo sa kagandahan ko! Sa buhay ko rito sa mundo kaya ninyo ako ginanito!”

“Multong buhay, mahal ka ng mga ninuno mo kaya sila naglakas-loob na baguhin ka. Pero pinahihirapan mo sila, hindi ka madaling nagbago.”

“Alam mo, kaluluwa sa purgatoryo na nagnakaw ng katawan ko, mararating ko rin ang purgatoryong ‘yan! At lagot sa akin ang mga buwisit na mga ninunong ‘yan! I swear, kawawa sa akin ang mga ‘yon! Pero tama ka, hindi muna kita gagalawin dahil ayokong masira kahit konti ang magandang mukha ko at katawan!”

Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with