^

Para Malibang

Sulat mula kay satanas, nabuksan matapos ang 300 taon

MRYOSO - Pang-masa

300 taon na ang nakararaan mula nang mangyari ang isang insidenteng nagpabago sa buhay ni Sister Maria Crocifissa della Concezione, isang madre mula sa kumbento ng Alma di Montechiaro sa Sicily, Italy.

Taong 1676, nagising daw si Sister Maria isang umaga na naliligo na ng tinta matapos isulat ang isang mahabang liham ng magdamag. Ayon sa kanya, ididinidikta raw sa kanya ng isang demonyo ang mga dapat niyang isulat. Naglalaman ng kakaibang letra at salita ang nasabing sulat at ayon sa mga nakakita, wala pa raw silang nakikitang ganito kahit kailan.

Ngayong kasalukuyan kung saan marami nang hi-tech, nakakita ng isang software ang mga eksperto para i-decode o alamin ang ibig sabihin ng mga letra.

May isang parte na silang nabasa at ito ang isa sa mga kanilang naintindihan; ang Diyos daw ay imbento lamang ng mga tao. Ang God, Jesus at Holy Spirit ay isa lamang pabigat sa mga naniniwala sa kanya at hindi kaila­nman mapapalaya ng Diyos ang sangkatauhan.

Samantala, ayon naman sa isang psychiatrist, hindi raw totoong sinapian ang nasabing madre, ito raw ay maaaring may disorder lamang na schizophrenia o pagiging baliw at ito ay nagha-hallucinate lamang.

vuukle comment

SATANAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with