^

Para Malibang

Nachos ala Bomba ng La Carnita pak na pak ang lasa!

BURP - Koko - Pang-masa

Burp Review

May bagong kinababaliwan ngayon ang mga mahihilig sa pagkain lalo na sa keso. Ito ang Nachos ala Bomba ng La Carnita Mexican Cantina na matatagpuan sa The Food Hive, ang pinakabagong food park sa Visayas A­venue.

Ang La Carnita ang kauna-unahang nag-serve ng grilled nachos na amoy at hitsura pa lang ay nakakapaglaway na talaga! Sa halagang P195 ay solb na ang 2-3 katao. Pero kayang ubusin ‘to ng mga cheese lovers tulad ko dahil bukod sa cheddar cheese, may mozzarella rin ito at house special cheese sauce. At bukod sa 3-cheese combo ay marami itong giniling na baka na talaga namang malasang-malasa. Hindi naman sila nagkamali sa cilantro at beans na lahok sa sauce. May tatlong dip din na kasama na kahit wala ay masarap na.

Perfect na perfect ang grilled cheese sauce sa malutong na nachos! Pak na pak talaga ang Nachos ala Bomba ng La Carnita Mexican Cantina. Burp!

Lasa: 5/5; Presentasyon: 5/5; Presyo: 5/5

Para sa mga suhestiyon tungkol sa pagkain, o kung mayroon kayong recipe na gustong ibahagi, maaaring mag-email sa [email protected]

vuukle comment

NACHOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with