^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (83)

TALES FROM THE OTHER SIDE ILANG - Pang-masa

ILANG sandali pa nga, sa palengke malapit sa San Juanico Bridge, pinagkaguluhan ng mga tagahanga si ‘Manny Pacquiao’.

Walang nakakaalam na hiniram lang ni Tatiana ang katauhan ng Pambansang Kamao.

“Idol, pahingi naman ng autograph!”

“Ako din, Manny! Number one fan mo ‘ko!”

“Eeeee! Am’ pogi mo pala sa personal!”

“Baka gusto mo ng escort, Manny! Willing and available ako all the time!”

Saka lang naunawaan ni Tatiana na sikat na sikat na boxer ang hiniraman ng mukha.

Hindi malaman ng babaing laging gutom kung paano kikilos bilang Manny Pacquiao. Hindi siya kailanman nagkagusto sa boxing bilang sports.

Ang gusto lang niya ngayon ay kumain sa karinderya ng adobong baboy, batsoy at lugaw. Super-gutom na siya!

Natunton ni Tatiana ang nagtitinda ng tatlong putaheng nais niyang lamunin.  Umorder agad siya, itinuro sa tinderang mataba ang mga nais kainin.

“O, mga kabayan, kakain muna ang idol natin! Layo muna tayo! Nakakahiya kay Manny kung sisiksik pa rin tayo!”

Ang tinderang mataba ay proud na proud. Habang pinapakain si ‘Manny’ ay panay ang selfie nito.

Wala namang pakialam si Tatiana, lamon lang nang lamon.

Hindi siya aware na napapahiya sa kanyang katakawan si ‘Pacman’. Na posibleng makarating sa tunay na Manny Pacquiao ang nakahihiyang eksena.

Ilang media correspondents ang nakatisod sa kakaibang ‘Manny’.

Ilang oras pa ay napabalita na sa buong mundo ang nagaganap sa ‘Pinas kaugnay ang sikat na sikat na boxer.

NABALITAAN din agad ito ng kampo ni Manny Pacquiao. Ang publicist ng Idol ay nagpadala agad ng denial.

“Si Manny ay wala po sa Leyte. Kung sinuman ang namemekeng ‘yan ay dapat sigurong arestuhin...”

Maraming anggulo ni ‘Manny’ ang naging laman ng mga diyaryo. Napansin ang kakaibang balakang; para raw balakang ng babae. (ITUTULOY)

 

vuukle comment

EEEEE

HABANG

ILANG

LAYO

MANNY

PAMBANSANG KAMAO

SI MANNY

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with