^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (9)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HANDA nang idikdik ni Almario ang katotohanan ng pagkatao ni Tatiana.

“Dapat mo na ngang tanggapin, Sofia, na ikaw ay nagbuntis nang napakabilis! Na sa loob lang ng dalawang oras na pagdadalantao  ay nanganak ka na! Hindi ka nagdalantao nang siyam na buwan!” napakahabang argumento ni Almario.

“Pinapanigan mo ang paniwala ng co-teachers ko,  na si Tatiana ang kumain sa bags nila?” gigil na tanong ni Sofia.

Napailing-napabuntunghininga ang padre de pamilya. “Hindi pa naman, wala pa akong solid evidence, Sofia”.

“Na-magic ng ewan kung sino ang mga handbags ng mga kapwa ko guro, Almario! Who knows baka napasok tayo ni David Blane? Narito ang magician na ‘yon recently!”

Nasapo ni Almario ang noo. “Oh my God, pati ba naman si David Blane ay paghihinalaan mo?”

Hindi umiimik si Sofia, nakabusangol ang mukha.

Mayamaya’y umimik na rin, galit. “Basta wala kang solid evidence, huwag na huwag mong pagbibintangan ang anak natin!”

“Hindi ko anak si Tatiana! Anak ‘yan ng alien sa Flying Saucer!” sa loob-loob ni Almario, hindi pa rin masabi sa asawa ang pagtutol.

“Nakita mo na ba ang ngipin at pangil ni Tatiana, ha, Sofia?”

“Nag-iilusyon ka ba, Almario? Napakabata pa ni Tatiana para tubuan man lang ng ngipin!”

Nagpakahinahon si Almario. Nilapitan ang batang nakatayo sa crib.

“Nganga, Tatiana,” utos ni Almario sa napakalaking baby.

Nakaintindi ang bata, ibinuka ang bibig—ipinakita sa mag-asawa.

Nayanig sa nakita si Sofia. Napaigtad, napasigaw. “Aaahhh!”

Napaupo, tutop ang dibdib, habol ang pag­hinga. “Kaah-kaah!”

Naalarma si Almario, nanaig ang pagmamahal sa asawa. “Huwag kang aatakihin sa puso! Bawal kang mamatay ngayon, Sofia! Hindi ko mapapatawad si Tatiana kapag natuluyan ka!”

Nahimasmasan naman si Sofia. Yumakap kay Almario.

Biglang nginalot ni Tatiana ang isang poste, ng crib. Ngalot. Ngasab.

Nangilabot ang mag-asawa. Namutla.

(Itutuloy)

vuukle comment

AAAHHH

ALMARIO

ANAK

BAWAL

BIGLANG

DAVID BLANE

FLYING SAUCER

SOFIA

TATIANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with