Angel, naging kamukha ni Alex!

Angel

Isang malaking karangalan na naman ang dinala sa bansa ni tennis Superstar Alex Eala matapos ang historic win niya sa 2026 Mubadala DC Open na ginanap nitong Martes.

Nakamit ni Alex ang biggest victory sa kanyang tennis career nitong Martes matapos talunin ang world’s No. 3 tennis player na si Jessica Pegula of the United States sa nasabing tennis tournament.

Si Alex ang kauna-unahang Filipino na nanalo ng WTA Tour singles championship kaya naman buong bansa ay nagbubunyi sa kanyang makasaysayang panalo sa pangunguna ng ating Presidenteng si Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ayon sa Presidential Communications Office Undersecretary and Palace press officer Claire Castro nitong Martes, masayang-masaya raw si PBBM sa historic win ni Alex at kaagad nagpahatid ng pagbati sa atleta.

Anyway, sa ating celebrities, ang isa pang nagpahayag ng kanyang suporta sa ating tennis ace ay si Angel Locsin.

Nag-post ang aktres sa kanyang Instagram ng larawan ni Alex at ipinagsigawang idol niya ang atleta.

“IDOL,” ang mababasa sa caption ni Angel.

Samantala, bago ito ay binansagan ng netizens na ‘Angel Locsin look-alike’ si Alex matapos nilang mapansin sa ilang larawan ng tennis superstar na malaki ang pagkakahawig nito kay Angel.

Paulo, hanggang light business lang ang pakikipagsosyo kay Kim

Mahilig din pala sa negosyo si Paulo Avelino tulad ng kanyang ka-loveteam na si Kim Chiu and in fact, kabubukas lang ng aktor ng kanyang bagong business.

Akala nga ng marami ay naimpluwensiyahan ni Kimmy sa pagnenegosyo si Paulo pero sey ng aktor sa panayam sa isang vlog ng, noon pa raw ay may mga pinasok na rin siyang businesses at marami na rin daw siyang beses na nalugi. “Not a lot of people know but I’ve ventured into so many businesses in the past. May mga successful, maraming lugi, pero I’ve learned a lot in terms of business,” aniya.

Bagama’t pareho nga sila ni Kim na nagnenegosyo na rin, ayon kay Paulo ay magkaiba raw sila ng atake ng aktres.

“We have our own outlook on how to manage and handle businesses. Kim is very hands-on, she does everything, from... like everything.

“Ako naman, I just choose roles that I know, I can do,” paliwanag niya.

When asked kung may posiblidad din ba na makasama niya si Kim sa isang negosyo at hindi lang sa acting projects sa showbiz, ani Paulo ay posible naman itong mangyari. “Yes, I’m sure there’ll be something that comes up or there’ll be another opportunity where we get to venture into a business someday,” aniya.

Pero gusto niya ay mga light business lang daw muna. “’Yung magaan lang sana, kasi alam n’yo naman, ‘di ba, ang hirap ‘pag nagbi-business together dahil ang daming mga kailangan, ang daming diskusyon lagi.

“Pero hopefully, we’ll find something or hopefully, something will come up in the future,” aniya.

Show comments