Kabilang na si Iza Calzado sa mga artista na naiimbitahang maging speaker sa Class 2026 ng Miriam College High School.
Ang ganda ng speech nito at sa Tagalog pa at binalikan nito ang buhay niya bilang estudyante ng Miriam College. Pinasalamatan nito ang mga teacher sa nasabing kolehiyo.
“This school became such a big part of who I am, and I’ll always be grateful for that. To be invited back, this time to speak to the graduating Class of 2026, was such an honor. Definitely something I never even dreamed of or thought was in the cards from me when I was a student in MC. This is definitely a miracle and gift from God.”
Ikinuwento ni Iza na “Row 4” student siya at may failing grade, kinausap siya ng teacher at mentor niyang si Mrs. Ednaco na ayusin ang pag-aaral kung gusto niyang mag-graduate. Mataas ang grade niya sa English, pero 60 percent lang sa Algebra. Nag-focus daw siya sa pag-aaral at kumuha ng tutor to help her pass, lumipat siya sa Row 1 at walang tulugan na nag-aral at pumasa. “Thank you again, Miriam College for welcoming me home. And congratulations once again to the incredible Class of 2026. May you always choose your own Row 1.”
Isa sa comment sa post na ito ni Iza ang nagsabi ng “Nice speech. Hindi rin kailangan palaging English” at “I love all the words in it! Especially you said it in Tagalog. May diin.”
Naging commencement speaker na rin sina Vice Ganda at Rabiya Mateo. Nakakatuwang naiimbitahan ang mga taga-showbiz sa ganitong school event.
Josh Aquino, ampon na ng mga Binay!
Itinuturing na talaga ng mga Binay na parte ng pamilya nila si Josh Aquino.
Sa isang post ni Makati City Mayor Nancy Binay, makikitang katabi ni Mayor Binay si Josh sa flag ceremony. Kasama rin nila ang ibang opisyal ng Makati City ay makikitang nakalagay ang kanang kamay ni Josh sa kanyang dibdib and for sure, kumanta rin ito.
Sa isa pang larawan na nagda-dine ang pamilya ni Mayor Binay sa isang restaurant, kasama rin nila si Josh. Ang caption ng post ay “After a long day sa trabaho dapat may oras pa din sa pamilya. #BeNiceFamily dinner.”
Positibo ang mga comment gaya ng “They treated Josh as their own...which is something heartwarming,” “And Josh is part of the family already...nice,” “I always like seeing Binay family and how they always include Kuya Josh in all their family affairs. Love love love” at “Nakakatuwa naman si Josh, ginawa na talaga nilang parte ng pamilya.”
Nabanggit din ni Kris Aquino sa isang interview na kapag nasa Manila si Josh, kung wala sa poder niya, siguradong nasa poder ng mga Binay. May second family si Josh na nag-aalaga sa kanya.