Nadiskubre ng partner na aktres ng aktor na malaki ang hirap at gastos sa show kaugnay ng perang nakukuha ng isa sa namamahala sa show.
Eh sobrang trusted ng aktor ang taong ito kaya naman basta mai-deliver nito ang gusto ng aktor sa show, hindi na niya masyadong alintana ang gastos!
Eh kaso, mula nang mapabilang ang partner ng aktor sa show, naging mahigpit na raw ito sa auditing ng pera!
At ang isang nadiskubre ni partner, itong taong malaki na ang bayad sa kanyang posisyon, aba, may extra raket pa sa show!
Eh may nakipag-Marites sa aktres na meron na raw itong bahay na sobrang laki na daig pa ang isang bilyonaryo, huh!
Eh ayon sa aming source, unti-unting sinabihan ang taong ito na magbitiw na sa produksyon at walang balitang kakalat tungkol sa kanya!
Kaso, may nakaalam at nasabi sa amin!
47th anniv ng EB, nabahiran ng lungkot
Nabahiran din ng lungkot ang katatapos na selebrasyon ng Eat Bulaga sa nakaraang 47th year nito sa telebisyon!
Last Saturday, August 1 naganap ang selebrasyon at punumpuno ito ng mga guests na naging bahagi na ng show!
Gaya ng Sex Bomb Dancers, ang wonder kids noon na sina Goyong, Atong Redillas at iba pa.
Siyempre, ang bongga sa lahat ay ang reunion ng mga lolas ng Kalye serye -Nidora, Tidora, at Tinidora.
Eh bongga sa reunion, present si Wally Bayola na sakay ng wheelchair sa venue! Umiindak-indak siya sa kanyang upuan at tumayo saglit!
Of course sino ang makakalimot kay Yaya Dub aka Maine Mendoza? Wala nga lang siyempre si Alden Richards dahil GMA siya!
Bago matapos ang selebrasyon, ini-launch ng Bulaga na E-Business na pipili ng tutulungan na malilit na negosyo at hahanap ng mabibigyan ng hanap-buhay.
After ng selebrasyon, kumalat sa socmed ang balitang pumanaw na si former Congressan Romy Jalosjos na isa sa dahilan kung bakit meron tayong Eat Bulaga ngayon.
Matagal ang naging pagsasama nina Jalosjos at Tito, Vic, and Joey plus Tony Tuviera mula sa RPN 9, ABS, at GMA hangagang sa nagkaroon ng falling out at napunta sa TV 5 ang Bulaga habang nagkaroon ng bagong show ang TAPE sa GMA na Tahanang Pinakamasaya.
Nagkaroon pa ng labanan sa pangalang Eat Bulaga na napagtagumapayan ng TVJ.
They may have parted ways sa show pero manananatili ang samahan, pagkakaibigan, at kumparehan ng mga taong lumikha ng longest running noontime show sa Philippine Television, ang Eat Bulaga!