Elijah at Miles, dalawang buwan na raw hiwalay!

Miles Ocampo at Elijah Canlas

Dalawang buwan na umanong hiwalay sina Elijah Canlas at Miles Ocampo.

Ito ang kinumpirma ng source ni Ogie Diaz na ibinahagi niya sa kanyang latest vlog.

Matatandaang nagsimulang umugong ang tsikang hiwalay na ang dalawa nang mamataan si Elijah na kasama ang theater actress at GMA artist na si Thea Astley sa isang public market sa La Union.

Nagtaka ang netizens kung bakit magkasama ang dalawa gayung may dyowa ang aktor kaya ang tanong nila ay kung break na ba sina Elijah at Miles.

Ayon kay Ogie, nag-reach out siya kay Miles para linawin ang break-up rumor pero dedma raw ang aktres at wala siyang sagot na natanggap.

Tinanong din niya si Elijah at wala rin daw sagot. Kaya ang ginawa raw niya ay nagtanung-tanong siya sa kanyang mga kilalang close sa dalawa.

“Sa La Union ‘yun ‘di ba? Marami raw silang magkakasama ro’n, nag-La Union. And then parang pinatatabi lang daw ni Elijah si Thea para kunan ng picture. Na-screenshot na, nakunan din ng video,” tsika ni Papa Ogs.

“Akala, magka-holding hands daw. Pero sabi ng aking source, eh matagal na raw magkaibigan ‘yung dalawa,” dagdag pa niya.

Tinanong din niya ang kanyang source kung sina Miles at Elijah pa rin at kinumpirma naman daw sa kanya na two months nang hiwalay ang dalawa.

Kung ano ang dahilan ay hindi pa raw niya alam, pero hindi raw si Thea ang cause ng break-up.

Samantala, wala pang pahayag mismo sina Miles at Elijah hinggil sa break-up rumor, gayundin si Thea kung ano ba talaga ang relasyon nila ng aktor at kung bakit ba siya nadamay sa issue.

Matatandaang nagsimula ang relasyon nina Miles at Elijah noong 2021. Nag-break sila noong 2023 at muling nagkabalikan noong 2024.

Dingdong natupad ang wish

Natupad ang birthday wish ni Dingdong Dantes na makasamang manood ng sine ang kanyang wifey na si Marian Rivera, bagay na bihira nilang gawin.

At take note, sa USA pa nila ito nagawa.  Kasalukuyan kasing nasa Amerika ang pamilya Dantes para sa birthday get-aways ng Kapuso Royalty couple na parehong August celebrants.

August 2 ang kaarawan ni Dingdong habang si Marian naman ay August 12.

Sa kanyang Instagram account, iflinex ng aktor ang panood nila ng Hollywood film na The Odyssey sa TCK Chinese Theater in Los Angeles, California.

“Birthday wish granted. A rare movie date with my love. The Odyssey in IMAX 70mm at the Chinese Theatre in Hollywood,” ang bungad ni Dong sa caption.

Sey pa ni Dong, ito raw ang much needed ‘breather’ for him matapos ang walang tigil na trabaho nitong mga nakaraang buwan. “After months of nonstop work, this was exactly the breather I needed, made even more special by sharing it with her,” aniya.

At dahil sa naturang pelikula ay na-realize raw niya kung bakit siya na-in-love sa paggawa ng movies.

“And somewhere between the first frame and the last, I remembered why I fell in love with making movies in the first place,” saad ng aktor.

Two weeks magbabakasyon ang mag-anak sa US at timing din na naka-school break ng mga anak nila na sina Zia at Sixto.

 

Show comments