Kathryn, nandidiri raw sa baha!

Kathryn Bernardo
STAR / File

Ginawan talaga ng intriga ng ibang netizens ang ginawa ni Kathryn Bernardo na pagtulay sa monoblocks para hindi mabasa ang kanyang paa sa taping ng Someone, Someday.

Parang diring-diri raw si Kathryn sa tubig-baha at takot sa ihi ng daga.

Na wala namang masama kumbaga dahil baka may susunod pa siyang eksena at hindi siya pwedeng mabasa.

Maraming nagkakaroon ng leptospirosis, bacterial infection na kumakalat sa pamamagitan ng ihi ng hayop na nagdudulot ng mataas na lagnat, matinding pananakit ng kalamnan at pamumula ng mga mata.

Pero kapag may sugat lang naman ‘yun pwedeng makuha.

But anyway, obvious namang walang pakialam si Kathryn sa mga intriga lalo na at napako sa number 1 slot sa Netflix ang Someone, Someday na pinagbibidahan din nila nina James Reid and Maja Salvador.

Show comments