^

Pang Movies

Kyline, ‘di nagpakabog kay Cassy!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kyline, �di nagpakabog kay Cassy!
Nag-post ito ng mga litrato nila ng singer-actor sa social media bilang pagbati niya roon
STAR/File

Hindi nakalimutang batiin ni Cassy Legaspi ang kaibigang si Darren Espanto noong birthday nito.

Nag-post ito ng mga litrato nila ng singer-actor sa social media bilang pagbati niya roon.

“Happy Happy Birthday DB!! ‘D Total Package.’”

Hindi na raw niya pahahabain ang mensahe at sinabing “Stay kind & true to yourself always D (alam mo na yun....hehe) don’t forget to pace yourself and take care of yourself.”

Sinabi rin ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na lagi lamang siyang nariyan para sa kaibigan at kailan man ay hindi nito iniwan ang kaibigan.

Ni-repost ito ni Darren at nagpasalamat kay Cassy na sinamahan pa ng yellow heart emoji.

Maaalalang nadulas kamakailan si Darren tungkol sa kanyang naging ex na binigyan siya ng concert ticket kay Bruno Mars na kung saan nang kalkalin ito ng netizens ay nalaman nilang si Cassy ang kasama niya ng mga panahong iyon.

Sinabi rin ng aktor na hiwalay na sila ng ex niya na iyon at magkaibigan pa rin sila.

Doon nabuo ang ispekulasyon ng mga tagahanga niya na nagkaroon talaga ng relasyon ang dalawa.

Pero sinabi ng dalawa na matalik na magkaibigan lamang sila.

Samantala, hindi naman nagpahuli ang aktres na si Kyline Alcantara na dating na-link sa kakambal ni Cassy na si Mavy.

Binati rin nito si Darren sa pamamagitan ng video clip na may caption na “Happy birthday, Espantooo!!!” at sinabing may love-hate relationship sila.

Common knowledge na na-link din si Kyline kay Darren na inamin nila na nagkaroon sila ng nakaraan.

vuukle comment

DARREN ESPANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with