^

Pang Movies

Kris, pinayuhan ng visionary at psychic!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kris, pinayuhan ng visionary at psychic!
Kris

May payo ang sikat na visionary at psychic na si Rudy Baldwin kay Kris Aquino.

Nagkakatotoo raw kasi ang mga pangitain nito na hindi lang tungkol sa tragic disasters ang mga prediksyon kundi pati na rin sa mga nangyayari sa mundo ng showbiz.

At dahil nga marami ang nagkakatotoo sa kanyang mga pangitain ay bumibisita rin daw sa kanya ang mga artista at pulitiko para malaman ang tadhana nila.

Samantala, may gusto siyang iparating kay Kris. Alam niyang malakas ang will ng nanay nina Joshua at Bimby na mabuhay para sa mga anak.

Marami ang nagsasabi na mawawala na ito pero hindi pa raw nakita ng mga ito kung paano ito lumaban kahit hirap na hirap na siya.

Bilin niya ay huwag lamang itong mag-focus sa pagkonsulta sa mga doktor o siyensya. Minsan daw ay hindi lang ang doktor ang nakakatulong sa mga may sakit.

Pero paglilinaw niya ay hindi lamang faith healer ang kanyang tinutukoy na makakatulong kay Kris.

Gusto sana niya na makita ito nang malapit o lumapit ito sa iba pang manggagamot dahil wala namang mawawala kung ito ay susubukan.

Dahil mas maayos daw ang makikita niyang visions kay Kris kung kasama niya ito. Matrabaho raw kasi iyon.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with