^

Pang Movies

Marian, nagkasugat-sugat sa gubat

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Ipinakita ni Marian Rivera sa interview niya kay MJ Marfori ng TV5 ang sugat na nakuha niya habang sinu-shoot ang Cinemalaya movie niyang Balota.

“Deglamorized ako, may action scenes at matitindi ang eksena kasi nasa gubat ako at nagtatago! Hindi ako nagpa-double! Ito na yata ang pinakamatinding pelikula na nagawa ko,” pahayag ni Marian.

Pero nagpapasalamat si Yan dahil ibinigay sa kanya ang movie. “I am proud of it kahit na nahirapan akong gawin ito,” dagdag pa ng All Time Box Office Queen.

Humanda sa kakaibang Marian Rivera na kung Diyosa ang dating sa GMA series niyang My Guardian Alien, dito sa Balota, magugulat kayo sa ipinagawa sa kanya ng director niya.

Andrea, tinanggal na lahat ng bisyo

Tinanggal nang lahat ng aktres na si Andrea del Rosario ang bisyo niyang alak, sigarilyo at pagpupu­yat kaya naman napanatili niya ang ganda at morenang kutis na nagustuhan sa kanya.

Muli naming nakita si Andrea sa contract signing niya sa iSkin Aesthetic Lifestyle sa Makati ni Kate Pagkalinawan through the invitation of Att. Maggie Garduce.

“Polo sports na lang ako kasama ang partner ko. Kaya heto, maintain-maintain ang health and body and skin ko. I’m good naman,” sabi ni Andrea.

Naging Vice Mayor sa isang bayan sa Batangas si Andrea. Doon niya natikman ang death threats at pananakot nung termino niya.

Babalik pa ba siya sa politics?

“Ayoko muna sabihin dahil sa experience ko. Madaling pumasok sa politics lalo na kung kumpleto ka sa makinarya.

“Eh heto nga, ngayon pa lang, may nakikita na akong tarpaulins ko sa Pasig pero hindi ako ang naglagay nun. Time will tell,” sabi ni Andrea na paminsan-minsan ay umaakting pa rin gaya ng last niyang Makiling sa GMA.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with