^

Pang Movies

Melai, bagong ambassador ng Korea!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Melai, bagong ambassador ng Korea!
Melai Cantiveros

Si Melai Cantiveros ang hinirang na bagong honorary ambassador for Korean Tourism Organization (KTO).

Sa kanyang Instagram post last Tuesday ay binahagi ng Kapamilya comedian-host ang mga larawan at videos ng kanyang ceremonial appointment na ginanap sa Korea.

Makikita sa photos and videos na kasama niyang lumipad ang kanyang asawang si Jason Francisco at dalawa nilang anak.

Sa isang video naman ay mapapanood ang aktwal na pag-appoint kay Melai bilang Tourism ambassador of Korea to the Philippines.

Sa kanyang caption ay pinasalamatan niya ang kanyang supporters sa kanyang bagong achievement.

“Kamsahamnidaaa mga Kamsamiii kung di dahil sa inyu di kmi mapipili na maging ambassador and ambasadress ng KTO @ktomanila as Korean Tourism Ambassador Family,” ang pahayag ni Melai.

“This oppurtunity ay para sa inyu mga Kamsamiiii , ipapakita nmin sa inyu ang mga happiness nmin dtu sa Korea , medyu di lang ako naka update dahil nagkaroon ng emergency,” aniya pa.

Nagpasalamat din ang TV host/comedian sa mga nagdasal para sa bunsong anak nila ni Jason na si Stela na hindi na niya dinetalye pa kung ano ang nangyari.

“Thank you sa inyung prayers na ok na ang health ng baby steya nmin,” ani Melai.

“This appointment ay para sa inyu , at inaappoint nmin kayu mga Kamsamiii na Best Viewers AWards salamat/kamsamiii s ainyung supports SarangheyoOoOoOoO” pagtatapos ng komedyana.

Matatandaang nagsimulang mapalapit si Melai sa South Korea nang mag-shooting siya rito ng pelikulang Ma’am Chief: Shakedown in Seoul kasama ang ibang Korean actors.

General assembly ng aktor, star-studded!

Star-studded ang ginanap na General Assemby ng league of Filipino actors called AKTOR na tinatag ni Dingdong Dantes dahil sa pagdalo ng malalaking artista at mga haligi sa showbiz industry.

Base sa Instagram post ni Dingdong, ginanap ang General Assemby last Sunday kung saan ay tumanggap sila ng bagong board members, Advisory Board at 100 new members.

Makikita sa video na ipinost ng aktor na dumalo sina Vilma Santos, Charo Santos-Concio, Christopher de Leon, Sen. Robin Padilla, Tirso Cruz III, Cherry Pie Picache, Alfred Vargas, Iza Calzado, Piolo Pascual, Mylene Dizon, Boots Anson Roa and of course, Dingdong’s wife na si Marian Rivera.

“Last Sunday, ginanap ang pangalawang General Assembly ng @aktorph mula nang itinatag ito noong Mayo 2020, at masaya kaming winelcome ang higit sa 100 new members sa komunidad,” simulang kwento ni Dong.

“Isa ito sa series ng pagtitipon at orientation dahil ngayon ay binuksan na namin ang membership sa lahat ng working actors sa industriya Nationwide. (For eligibility please see our website aktor.ph),” patuloy niya.

Inanunsyo rin niya ang apat na bagong Advisory Board na sina Ma’am Charo, Ate Vi, Boyet and Pip.

“Naganap din ang paghalal ng bagong Board Members na maglilingkod sa organisasyon sa susunod na 3 taon, at mapalad kami na ipinagtibay ito ng ating bagong Advisory Board na binubuo ng ating mga kinikilalang pillars ng industriya—sina Ma’am Charo Santos-Concio, Christopher De Leon, Tirso Cruz III at Vilma Santos-Recto. Ang kanilang gabay ay tiyak na magbibigay sa atin ng kakayahang makamit ang pangarap ng organisasyon,” pagbabahagi ng mister ni Marian.

Nagpasalamat din siya kay Binoe na naging bagong miyembro at kina direk Joey Reyes ganundin sa head ng Mowelfund na si Boots Anson Roa.

“Mapalad din kami at kami’y pinaunlakan ng suporta ng ating Senador Robin Padilla (na naging miyembro din) at ni Chairman Boots Anson-Rodrigo ng Mowelfund, na magsisilbin g mga gabay dahil matagal nang institutional partner ang Mowelfund.

“At kahit nasa Cannes, naramdaman namin ang tindi ng pagmamahal ni Chairman @direkjoey sa ating industria sa kaniyang mensahe sa community,” sey ni Dong.

“Maraming salamat sa IGA officers na sina Paolo, Macky at Jules, na nagsilbing COMELEC (at may balota talaga) nung gabing iyon.

“Kaya’t sa pagbubukas ng aming mga pinto – excited kami sa sama-sama nating pagtupad ng aming mga pangarap.

“Sabi nga ni Ser Ron Capinding, ang dati kong teacher sa High School at ngayo’y outgoing Vice Chairman ng Aktor, “Kung hindi rin lang lahat, eh walang ipagdiriwang.” “Walang saysay kung umarangkada ka mag-isa,” aniya pa.

Last but not the least, hindi nakalimutang pasalamatan ni Dingdong ang kanyang misis na naging punong abala sa pag-aasikaso sa event.

“Higit sa lahat; salamat sa aking very supportive Misis @marianrivera for dressing up the place beautifully, and for the super delicious food carts and giveaways!” ani Dong.

vuukle comment

MELAI CANTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with