^

Pang Movies

Dennis, tinuruang mag-romcom ni Jennylyn

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dennis, tinuruang mag-romcom ni Jennylyn
Dennis Trillo

Matutupad na ang pangarap ni Jennylyn Mercado na makatrabaho sa isang proyekto ang kanyang mister na si Dennis Trillo.

Magtatambal ang Kapuso couple sa isang romantic comedy film na may pamagat na Everything About My Wife. Ang naturang pelikula ay Philippine adaptation ng isang Argentinian movie.

“Masaya siya kahit na tungkol siya sa mag-asawang nag-aaway,” sabi ni Dennis

Natatawang sey ni Jen: “Pinamigay niya ‘yung asawa niya.”

Ang Everything About My Wife ang magiging unang proyekto nila matapos silang magpakasal noong 2021.

Huling proyekto na magkasama ang dalawa ay sa I Can See You: Truly, Madly, Deadly noong 2020.

Ayon kay Dennis, tinulungan siya nito na makapag-adjust sa romcom, na aminado siyang bago para sa kanya. “Nung umpisa medyo nangangapa ako dahil hindi ako sanay gumawa ng mga light na project. Siyempre sinusuportahan naman ako nung asawa ko, queen of romcom.”

Sey naman ni Jennylyn: “Hindi naman niya kailangan sa totoong buhay. Natutuwa ako na nashe-share na niya sa mga tao gamit ‘yung TikTok, at least maraming natutuwa sa kanya, nae-enjoy ‘yung mga videos niya at ‘yung creative side niya nilalabas niya.”

Nagtapos na ang teleserye ni Jennylyn na Love. Die. Repeat. Habang magiging kontrabida naman si Dennis sa upcoming historical action series na Pulang Araw, na kasama rin sina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, at David Licauco.

Carla, consistent kay Papa P!

Bukod kay Marian Rivera, isang Kapamilya actor ang nais na makatrabaho ni Carla Abellana.

Sa latest YouTube vlog ni Carla na bisita niya si Alex Gonzaga, sinagot ng dalawa ang ilang tanong para sa Truth or Truth video.

Kabilang sa mga tanong na kanilang sinagot ay: “Who do you want to work with in the future?

“Marian Rivera, why not? Bilang lagi ko namang sinasabi, same lang kami ng ma­nager,” sagot ni Carla.

Idinagdag pa ng Kapuso actress: “Papa P, isa ‘yan sa mga nasasabi ko. Piolo Pascual. Mga dream kong maka-work.”

Nitong nakaraang Enero, nag-renew ng kontrata si Carla sa Kapuso Network.

After ng Stolen Life, bibida naman si Carla sa GMA murder mystery series na Widows’ War kasama sina Bea Alonzo at Jean Garcia.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with