^

Pang Movies

Baron, ‘di pa kinukumpirma ang anak sa ex-actress!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Baron, �di pa kinukumpirma ang anak sa ex-actress!
Baron Geisler
STAR/File

Way dalawang anak na babae (both grown-up) sa magkaibang babae ang actor na si Baron Geisler bago niya nakilala ang misis niyang si Jamie Evangelista-Geisler kung kanino siya may isa ring anak na babae, ang almost four years old na, si Talitha Cumi. ‘Yung isa niyang anak ay meron na umano silang komunikasyon habang ang isa ay wala pa umanong pagkakataon pero umaasa ang mahusay na actor na darating din ang panahon na magiging bukas ang kanyang relasyon at komunikasyon sa kanyang dalawa pang anak na parehong malalaki na.

Hindi maikakailang anak nga ni Baron ang isang teen-age girl dahil pareho silang pinagbiyak na bunga.

Sa aming panayam kay Baron for our TicTalk with Aster Amoyo hindi nito ikinakaila na kailangan din umano niyang balansehin ang lahat dahil meron din siyang asawa at anak na kailangang handa sakaling dumating ang panahon na kailangan niyang ipakilala ang kanyang two daughters sa kanila.

Naging masalimuot din kasi ang buhay noon ni Baron na hindi naman kaila sa marami pero ang mga ito’y unti-unti na niyang itinatama.

“Darating din naman ang panahon na magi­ging okey kami ng mga anak ko kahit wala ako sa tabi nila sa kanilang paglaki,” aniya.

Sa kabila ng mga pinagdaanan niyang pagsubok sa kanyang personal na buhay at karera, patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng mga producer bagay na kanyang ipinapagpasalamat.

Lately ay kumakalat na diumano ang ina ng isa sa anak niyang babae ay si Nadia Montenegro.

Pero wala pang sinasabi o kinukumpirma ang actor tungkol dito.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with