^

Pang Movies

Beauty, gagawa ng bagong baby!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Beauty, gagawa ng bagong baby!
Beauty Gonzalez

Naging sentimental si Beauty Gonzalez sa kanyang post sa IG dahil sa kanyang daughter na si Olivia Ines.

Masyado raw mabilis ang paglaki ni Olivia, who is now eight years old, kaya nag-emote ang Stolen Life star sa baby pictures ng anak.

Nagpasaring pa si Beauty na gusto niya ng isa pang baby.
“My baby is growing crazy fast. Now 8 years old and I miss her Chubby Cheeks. I Want Another One Please!!” caption pa niya.

Kinasal si Beauty sa art curator na si Norman Crisologo noong 2017. Si Olivia pa lang ang anak nila.

Kapag nakatapos ng taping ng isang teleserye ang aktres, sinisigurado niyang babawi siya sa kanyang mister at anak sa mga buwan na naging busy siya. Kaya kadalasan ay ibang bansa sila nagbabakasyon.

Bukod sa Stolen Life, mapapanood din siya sa second season ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Kristoffer at AC, may fancy wedding anniv

Nag-celebrate ng kanilang second wedding anniversary ang Kapuso actor na si Kristoffer Martin at ang kanyang wife na si AC Banzon.

Dinala ng Makiling star ang kanyang wife sa isang fancy restaurant para mag-celebrate ng kanilang ikalawang taon bilang mag-asawa.
“Celebrated my best decision in life. Happy 2nd wedding anniversary my love. 2 years na tayong tama sa mata ni Lord. Mahal kita lagi,” caption ng aktor sa kanyang Instagram post.

Kinasal ang dalawa via civil ceremony noong Feb. 3, 2022 sa Capas, Tarlac. May isang anak sila na si Precious Christine or Pre’ (7 years old) na isinapubliko ng aktor noong 2021.

vuukle comment

BEAUTY GONZALEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with