Solenn at pamilya, tinapos na ang pamamahinga
Ibinahagi ng Filipina-French actress na si Solenn Heussaff sa social media ang kanilang bakasyon sa Paris kung saan nakipag-bonding din siya sa kanyang mga kaibigan.
Tinapos na nila ang kanilang mahabang bakasyon at pabalik na raw sila sa ‘Pinas.
Nagpasalamat din siya sa mister na si Nico Bolzico sa pagiging hands-on dad nito sa dalawa nilang daughter na sina Tili at Maëlys.
Caption niya sa kanyang post kung saan makikita ang kanilang mga litrato, “And another Paris photo dump! Time to head home after this long break. Always nice to see my bffs abroad. So much love, laughter, catching up on life but still like we just saw each other yesterday.
“To @nicobolzico , thank you for being amazing this trip and being so hands on with our babies. They had the best time ever, memories they will keep close to their hearts.”
Nagpasalamat din siya sa mga kaibigang nakasama sa kanilang reunion.
Sigurado raw babalik siya at sinabing maikli lamang ang buhay at kailangan nilang ulitin iyon.
“Love you all, see you soon! Life is too short, we need to this a million times,” pagtatapos niya.
- Latest