^

Pang Movies

Aktres, isinusumpa sa pagpapahintay

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Halos isumpa ng isang staff ng TV show ang sikat na aktres na hindi naman nagri-rate ang programa sa telebisyon.

Kasi naman, may schedule for interview ang aktres para sa isang charitable project. Kailangan siyang ma-interview para sa visual aids ng isang charity group.

Umaga pa lang daw ay nasa venue na ng interview ang staff. Pero inabot na sila ng lunch eh hindi pa rin lumalabas si aktres, huh!

Eh dahil kailangan ang interview ng aktres, walang nagawa ang staff kundi maghintay hanggang gabi kung kailan lumabas na si aktres at nagpa-interview!

Dahil sa ginawa ng aktres sa staff, never again daw na haharapin ng staff ang aktres sa anumang interview dahil sa halos mamuti na ang mata nila bago makausap ang aktres!

Carla, mabaliw-baliw 

Mabaliw-baliw raw si Carla Abellana sa papalit-palit na character niya sa GMA series niyang Stolen Life na mapapanood na sa Oct. 13 sa GMA Afternoon Prime.

“Kung minsan, nalilito na kami ni Beauty (Gonzalez) kung sinong character na ipapakita namin. Mahirap pero over challenging dahil ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong role,” pahayag ni Carla sa mediacon ng Kapuso series.

Anyway, kahit Triple A na ang management team ni Carla, mananatili pa rin siyang Kapuso. Eh sa GMA homegrown artist siya kaya bakit pa siya lilipat ng network eh maganda na ang kinalalagyan niya!

Muling kapareha ni Carla sa series si Gabby Concepcion na nakasama na siya sa ilang GMA series nila.

Tungkol sa astral projection ang bagong putahe ng GMA at mula ito a direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng na naging director na rin ni Beauty sa Kapamilya network.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with