^

Pang Movies

Jane babangon mula sa ‘pagkamatay’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jane babangon mula sa �pagkamatay�
Jane Oineza

Mas titindi pa pala ang nakakagigil na gantihan sa Nag-Aapoy Na Damdamin sa pagbubukas ng season 2 ng programa.

May good news pa ang mga bida nito na sina Jane Oineza, JC De Vera, at Ria Atayde dahil nakasungkit sila ng nominasyon sa 4th Annual TAG Awards Chicago.

Nominado sina Jane at JC bilang best actress at best actor habang si Ria naman ay nominado bilang best supporting actress para sa serye.

Ikinagulat naman ng mga manonood ang trending na season-ender scene kung saan bumalik na ang alaala ng karakter ni Jane matapos mailigtas mula sa misteryosong pagkadakip. 

Sa kanyang tila pagbangon mula sa hukay dahil sa matinding pinagdaanan, handa na si Olivia (Jane) na isagawa ang kanyang paghihiganti sa mga taong nanakit at nanloko sa kanya.

Samantala, nakisaya naman sina Jane at JC sa naganap na Buglasan Festival sa Negros Occidental noong Sabado kasama ang co-star na si Elyson De Dios at Kapamilya actor Aljon Mendoza bilang pasasalamat na rin sa patuloy na suporta na natatanggap ng gantihan serye mula sa mga manonood. 

Siguradong hindi palalampasin ng mga manonood ang nagbabagang emosyon sa Nag-Aapoy Na Damdamin.

vuukle comment

JANE OINEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with