Seth, wala nang pakialam sa buhay ni Andrea
Sa isang event ay nahingan ng komento si Seth Fedelin ng entertainment press hinggil sa breakup ng ex-girlfriend/loveteam niyang si Andrea Brillantes with Ricci Rivero.
“Hindi ko naman alam ang buong kwento kaya hindi ako magsasalita nang patapos. Pero sana, mahanap niya ‘yung lalaki talagang magpapasaya para sa kanya,” sabi ni Seth.
When asked kung nalungkot ba siya for Andrea, aniya ay sumagi lang daw sa isip niya kung ano kaya ang nangyari.
Wala na raw silang communication ni Andrea pero ‘pag nagkikita naman daw sila sa ABS-CBN o sa events ay nagbabatian naman daw sila.
Natanong din siya kung happy ba siya na reunited ang loveteam nina Andrea at Kyle Echarri at sey ni Seth, “opo, support ako sa KyleDrea. Sila naman talaga, bago magka-SethDrea, KyleDrea po ang nandiyan, eh. Happy ako na sila ang nagka-pair kaysa iba ang maka-partner ni Kyle, iba ang maka-partner ni Blythe, mas better na silang dalawa.”
Julie Anne, nagtatatalon sa regalong gitara ni Rayver
Ang cute ng reaksyon ni Julie Anne San Jose sa sorpresa sa kanya ng boyfriend na si Rayver Cruz.
Ipinost ng aktres/singer ang video kung saan ay makikitang binubuksan niya ang regalo ni Rayver na isang Gibson electric guitar.
Tuwang-tuwa si Julie Anne at nagtatatalon habang sinasampolan na niya ang gitara. Nagtatatalon din siyang lumapit kay Rayver at sey niya, “thank you! I love you!”
Sa caption, mensahe niya sa BF, “Just one happy girl with a happy heart thanks my love sa surprise the best ka talaga.
Sagot naman ni Rayver, “I’m happy you’re happy my love I love you!”
Komento ulit ni Julie Anne, “@rayvercruz I love you so much!”
Sagot namang muli ng aktor, “@myjaps I love you so muchiessss.”
Needless to say, kilig na kilig ang JulieVer fans at puring-puri nila ang pagmamahalan ng kanilang idolo.
- Latest