^

Pang Movies

Trina, ayaw ipakilala ang anak nila ni Carlo kay Charlie?!

Gorgy Rula - Pang-masa
Trina, ayaw ipakilala ang anak nila ni Carlo kay Charlie?!
Trina Candaza

MANILA, Philippines — Pinalitan ni Trina Candaza ang caption sa Facebook account nito kamakailan lang.

Ipinost niya ang litrato ng orders sa kanyang perfume.

Makapal na papel na kung saan doon nakalagay ang orders sa kanyang produkto. Kaya “Ang Kapal!” ang nasa caption at nagpasalamat siya sa lahat na umorder sa ibinebenta niyang produkto.

Ang interpretasyon ng karamihan ay kay Carlo Aquino niya tinutukoy ang caption na “Ang Kapal.”
Samu’t-sari ang komento ng netizens.
May kampi kay Trina, meron din kay Carlo.

Ang galing ng ibang fans na parang mas marami pa silang alam sa nangyayari.

Merong nagsasabing kaya ayaw raw ni Trina na ipahiram ang anak nilang si Mithi kay Carlo dahil isinasama pa nito si Charlie Dizon.

Maaring gusto raw ni Carlo na maging close ang bata kay Charlie.

Ayaw lang daw ni Trina na malito ang kanilang anak sa ganung setup. Mas mabuting sila lang daw ni Carlo ang makikilala nitong magulang. Kung ipakilala pa si Mithi sa bagong nobya ng aktor, baka malito lang daw ang bata.

Pero ipinagtatanggol naman ng iba si Carlo sa puntong ito.

Kung totoo man itong kuwento ng ilang netizens na maraming nalalaman sa buhay nina Carlo at Trina, maaaring totoo ngang ipinagkait ng social media influencer ang anak nito kay Carlo.

Direk Joel, nilalaban ang mga kaaway ng MTRCB!

Hindi pa rin tinatantanan ang Chairperson ng Movie And Television Review And Classification Board (MTRCB) si Lala Sotto-Antonio, dahil sa isyu nito sa It’s Showtime.

Pinapag-resign si Chair Lala ng iba, pero para naman kay direk Joel Lamangan, dapat ay wala na raw MTRCB.

“Para sa akin, noon ko pa inilalaban, dapat walang ganyan na!” kaswal na sagot ni direk Joel nang nakatsikahan namin sa burol ni Manay Ethel Ramos.

“Wala nang MTRCB! Diyos ko! Ibigay na sa mga industry ang karapatan na i-police nila ang sarili nila.
“I’m against censorship. Being a director, I’m really against it,” sabi pa niya.

Naging member din noon si direk Joel ng MTRCB, pero para sa kanya dapat classification na lang.

Tapos na rin daw si direk Joel sa paggawa ng mga pelikulang hubaran gaya ng ginagawa niya noon sa Vivamax.

Okay na raw sila ni Boss Vic del Rosario, kaya gagawa na raw siya uli sa Viva pero wholesome na at hindi pang-Vivamax.

Totoo kaya itong nasagap naming nababawasan na raw ng subscribers ang Vivamax?

Nagkasawaan na kaya sa mga pelikulang hubaran?

Pero merong bagong streaming service ngayon na mala-Vivamax.

Sa Sept. 22 ay ilulunsad ang bagong streaming service na Goblin.

vuukle comment

TRINA CANDAZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with