^

Pang Movies

Modern family nila Jodi, sinasaluduhan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pang-masa
Modern family nila Jodi, sinasaluduhan

Ang gandang tingnan ng pamilya nina Jodi Sta. Maria, Pampi Lacson at Iwa Moto.

Kahit hiwalay na sina Jodi at Pampi ay nanatili silang magkaibigan para sa kanilang anak na si Thirdy at katulong pa nila si Iwa sa pag-aalaga rito.

Maganda ang ginagawa nila dahil nagsisilbi silang mabuting ehemplo sa mga bata kaya naman magkasundo rin ang magkakapatid sa ama, ang dalawang anak nina Iwa at Pampi na sina Eve at CJ at si Thirdy.

Madalas din silang magsama-sama sa mga special occasions gaya na lamang ng graduation ni Thirdy sa high school kamakailan. Lutang ang pagiging proud ng mister ni Iwa sa kanyang panganay kay Jodi.

Halata rin ang pagiging malapit ni Thirdy sa mga kapatid kaya naman kasama rin ang mga ito sa kanyang graduation.

Samantala, lutang din ang closeness ni Iwa kay Thirdy kaya naman nagbigay rin ito ng mensahe nang magtapos ito. Ang cute rin ng litrato nilang tatlo kung saan nasa gitna si Thirdy nina Jodi at Iwa.

Kaya masasabing suwerte si Thirdy dahil dalawa ang kanyang mommy.

Bilib naman ang netizens sa setup ng kanilang pamilya dahil kahanga-hanga raw ang mga ito at dapat tularan. Hindi raw sila gaya ng iba na matapos maghiwalay ay nag-aaway. Naging inspirasyon daw ang pamilya nila na puro love lang, walang hate. Bongga.

vuukle comment

PAMPI LACSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with