^

Pang Movies

Tito Sotto, kinontra si Paolo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Tito Sotto, kinontra si Paolo!
Eat Bulaga

Sinagot sa tweet ni Tito Sotto ang naging pahayag ni Paolo Contis sa 44th anniversary ng Eat Bulaga na nasasaktan sila kapag tinatawag silang ‘Fake Bulaga.’

Sabi nga ni Paolo, “Maraming nagsasabi kami ay ‘Fake Bulaga.’ Wala pong peke sa pagmamahal ko sa grupong ito. Kaya masakit po sa’min kapag tinatawag kaming ‘Fake Bulaga’ dahil wala pong fake sa ginagawa namin, sa ngiti na nakikita namin sa mga tao. Wala po.”

Sagot ni Tito Sen, “Then why not think of a new name?”

Umani ito ng iba’t ibang reaksyon, may sumang-ayon kay Tito at may komontra naman. May comment na hindi siya sold sa argumento ni Tito at ipinaalala sa kanya na TAPE ang may-ari ng title at ng show hanggang wala pang desisyon ang Korte.

Hinihintay ang sagot ni Paolo sa tweet ni Tito o kahit ni Isko Moreno raw ang sumagot para pantay sila na parehong former politicians.

Joey, sinagot ang hanash ni Noli

Sinagot naman ni Joey de Leon ang naging pahayag ni Noli de Castro sa TV Patrol tungkol sa kasal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Sabi kasi ni Noli habang may ikinakasal, may binabagyo naman.

Hindi ‘yun nagustuhan ng ibang netizens lalo na ng fans nina Maine at Arjo at kung anu-ano ang sinabi laban kay Noli. Bakit pa raw ito bumalik sa TV Patrol at sana ay nag-retire na lang siya.

Hindi rin nagustuhan ni Joey ang pahayag ni Noli at napa-tweet ito ng kanyang sagot. Kahit walang binanggit na pangalan, alam na si Noli ang tinukoy.

“Sa mga kababayan nating ume-epal na hindi raw dapat nagpakasal ang dalawang ito dahil binabagyo raw ang bayan, eto lang ang masasabi ko- naunang nagplano sia Menggay kay Egay! Wala silang kasalanan kundi ang unang limang letra ng “kasalanan” – KASAL!”

 Naging daan ang tweet na ‘yun ni Joey para maglabasan ang kampi kay Noli at kampi kay Joey.

Aliw basahin ang palitan ng opinyon ng netizens na nagpapagalingan ng opinyon.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with