^

Pang Movies

Megan Young, nabuhay ang pagiging Arcade Queen  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Megan Young, nabuhay ang pagiging Arcade Queen           
Megan

Marami ang nagulat na isa sa hilig na gawin ni Miss World 2013 Megan Young ay ang race car driving.

Bukod pala sa pagiging isang beauty queen, actress, K-pop fan, at gamer, may need for speed din pala si Megan na siyang pinapakita niya kapag nasa racetrack siya.

Kelan lang ay na­ging bahagi ang Royal Blood star sa Toyota Gazoo Racing (TGR) Vios Cup sa Clark International Speedway sa Pampanga. Nakasama rito ni Megan ang mga kapwa niya celebrities at influencers na sina Macoy Dubs, Benedict Cua, Enzo Pineda, Troy Montero, at marami pang iba.

“It’s time to showcase my inner speed as the certified arcade queen of my childhood,” bahagi ng caption ni Megan sa Instagram post nito.

Aminado si Megan na baguhan pa lang siya sa ganitong klaseng competition, pero naipapakita na niya ang husay niya sa pagmaneho ng mabilis na race car.

Looking forward daw siya sa mga susunod pang mga competition at makakasama na niya soon sa hilig niyang ito ay ang mister na si Mikael Daez.

Pinky Amador, gustong mag-concert

Nag-celebrate ng kanyang 40 years sa showbiz industry si Pinky Amador na mas kilala na ngayon bilang ang kontrabida na si Moira sa GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.

Happy ang 57-year old actress sa naging journey ng kanyang career sa showbiz. Mula sa pagiging isang award-winning theater actress sa Repertory Philippines, na-penetrate ni Pinky ang paggawa ng pelikula at TV series.

“This year 2023 is my 40th in the business. Ang tanda ko na. I don’t know if I’m going to have a pro­per concert to celebrate my anniversary yet. Maybe next year, but you’ll never know. We’ll see. We still don’t know yet how things will pan out. My celebration will be delayed, but for sure, you’ll all know about it,” sey ni Pinky.

Sa Viva Films unang lumabas si Pinky sa 1986 komiks-drama na Magdusa Ka! kung saan gumanap siyang kontrabida ni Dina Bonnevie. Mga sumunod na mga pelikula niya ay kung hindi drama ay comedy naman tulad ng Balweg, Anak Ng  Lupa, Alabang Girls, Kabilin-bilinan Ni Lola, Cuadro de Jack, Sana Pag-ibig Na, Nagbibinata, Sa Huling Paghihintay, at iba pa.

Kabilang din si Pinky sa original London cast ng Miss Saigon noong 1989 kun gsaan nakasama niya sina Lea Salonga, Monique Wilson, Isay Alvarez, Jenine Desiderio, Jon Jon Briones, Robert Sena. Victor Laurel, and Junix Inocian.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with