^

Punto Mo

EDITORYAL - Out of school youth, dumami

Pang-masa
EDITORYAL - Out of school youth, dumami

NAKAAALARMA ang balita na 11-milyong kabataan ang hindi pumapasok sa eskuwelahan o nag-aaral. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 51.4 percent ng hindi pumapasok sa paaralan ay kalalakihan, habang ang natitirang 48.6 percent ay mga kababaihan.

Napakarami ng bilang na ito at hindi dapat bale­walain ng pamahalaan. Sa kabila na libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan, ganito karami ang mga hindi nagsisipag-aral. Nararapat alamin ang tunay na dahilan kung bakit nangyayari ito. Bukod sa libre ang pag-aaral sa public school, marami ang tumatanggap ng 4Ps (Pantawid Pa­milyang Pilipino Program) kung saan makatatanggap ng ayuda ang mga pamilya habang nag-aaral ang mga anak.

Sa isang report, maraming Grade 2 students ang hindi marunong sumulat at bumasa. Dumami umano ang mga batang “no read, no write” habang may pandemya at naging online ang mode ng pagtuturo. Marami umano sa mga hindi makabasa at makasulat ay walang access sa online teaching. Wala silang computer, tablet at iba pang gadget. Hindi naman sila magabayan ng kanilang mga magulang na abala sa paghahanapbuhay.

Nakadidismaya rin ang kahinaang ipinakita ng mga estudyanteng Pilipino sa larangan ng Math, Science at Reading. Sa resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), ang mga estudyanteng Pilipino ay nakakuha lamang ng 355 points sa math, 356 sa science at 347 sa reading. Para makapasa, kailangang ang score ay: 472 sa math; 485 sa science at 476 sa reading. Masyadong mababa ang nakuha ng mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga estudyante ng Singapore, Hong Kong, Japan, Korea, Macao, Ireland, Estonia, at Chinese Taipei na mataas ang nakuhang puntos.

Nararapat kumilos ang pamahalaan lalo na ang Department of Education (DepEd) na mahikayat mag-aral ang mga kabataan lalo ang mga batang anim na taong gulang na dapat ay nasa unang baitang na. Ipaunawa ng DepEd sa mga magulang na libre ang edukasyon para sa mga bata sa pampublikong eskuwelahan. Hindi dapat sayangin ang pagkakataon para mapag-aral ang mga anak.

vuukle comment

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with