^

Pang Movies

Herlene, ‘di kayang umayaw sa mga raket!

Joe Barrameda - Pang-masa

Rumampa si Herlene Budol sa mediacon ng Magandang Dilag noong Sabado ng tanghali. Sobra ang pasasalamat ni Herlene sa GMA at mabigyan siya ng pagkakataon na maging bida sa isang teleserye na mga bigatin ang mga tulad nina Chanda Romero at Sandy Andolong.

Pero tulad sa lumabas na, pinabulaanan niya na siya ang cause of delay sa kanilang taping bagama’t aminado siya na hindi niya natanggihan ang mga ibang raket na aniya ay makakatulong sa mga pangarap niyang iahon sa kahirapan ang kanyang pamilya na unti-unti naang natutupad.

Hindi rin siya nagrereklamo sa mga hirap sa taping.

Basta raw kinakabisa niya ang mga linya niya.

Ilan din sa mga kasama niya sa Magandang Dilag ay sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Maxine Medina, Bianca Manalo, Adrian Alandy, Al Tantay, Prince Clemente at iba pa.

June 26 ang pilot airing nito sa GMA after Abot Kamay Na Pangarap.

Rob, magiging partner si Jane

Masuwerte si Rob Gomez, na pamangkin ni Gary Estrada.

Kahit hindi siya taga-Sparkle ay nabigyan siya magandang role sa Magandang Dilag.

Si Rob ay nasa pangangalaga ni Dondon Monteverde kaya magagandang movie projects at TV series ang ginagawa niya sa Regal Entertainment.

At ngayon ay sisimulan nila ni Jane de Leon ang isang episode ng Shake Rattle And Roll na intended sa upcoming Metro Manila Film Festival.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon siya ng kasaling pelikula sa MMFF kaya super excited ang actor na unang nakilala sa sexy movie with Alexa Miro. Katwiran ng aktor, ginamit lang niyang stepping stone ang pagpapa-sexy noon.

Na nagbunga naman dahil ngayon ay heto at nagkaka-career siya.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with