^

Pang Movies

Throwback ang vibe Geneva at Jeffrey, hinuhulaang sa simbahan ang tuloy

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Throwback ang vibe Geneva at Jeffrey, hinuhulaang sa simbahan ang tuloy
Geneva at Jeffrey

Alam mo, Salve A., marami ang hindi naniniwala na hanggang best friends lamang ang level ng pagkakaibigan ng dalawang original members ng teen singing group na Smokey Mountain na sina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo kung closeness at madalas na pagsasama ng dalawa sa iba’t ibang lakad including their beach getaways na pareho nilang hilig ang pag-uusapan.

During their teens, inamin sa amin ng singer, actor, director at chemical engineer na si Jeffrey na nanligaw umano siya noon kay Geneva pero nabasted siya. Since then ay nanatili na lamang silang magkaibigan lalupa’t dalawang beses nag-asawa ang singer-actress, una sa Introvoys frontman na si Paco Arespacochaga kung kanino ito may 27-year-old son na si Heaven. Pero nauwi ito sa hiwalayan. 

Muling nag-asawa si Geneva sa Fil-Am actor-host na si KC Montero pero tulad nung una nitong marriage ay nagkahiwalay rin ang dalawa.

Geneva got engaged to a Fil-Australian guy na si Lee Paulsen kung kanino siya may isang anak na si London pero ang relasyon ng dalawa ay hindi nauwi sa kasalan at nagkahiwalay rin sila.

But all these times ay napanatili nina Geneva at Jeffrey ang kanilang closeness laluna nang bumalik ng Pilipinas ang singer-actress para ipagpatuloy dito ang kanyang singing and acting career.

Since parehong unattached ngayon ang dalawa, sila ang madalas na magkasama to a point na mapapagkamalang sila na.

Baka nga sa hinaba-haba ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy ng dalawa.

Octoarts, sa K-Pop muna mamumuhunan

Brace yourselves K-Pop fanatics dahil nakatakdang dumating ng Pilipinas for a live concert at the Smart Araneta Coliseum on June 11, 2023 to be produced ng OctoArts Entertainment ang dalawa sa mga sikat K-Pop artists in South Korea, ang singer-songwriter at actor na si Baekhyun at ang Korean-Canadian na si Jeon Somi.

Si Byun Baek-hyun na mas kilala as Baekhyun ay nagsimulang mag-training in 2011 sa ilalim ng SM Entertainment. Made his debut in 2012 bilang isa sa mga miyembro ng South Korean-Chinese boy group na Exo and later formed a trio-sub group na Exo-CBX in 2016. Nung 2019 siya ang tumayong leader ng supergroup na SuperM. He is 30 years old turning 31 sa darating na May 6.

Si Jeon Somi ay Ennik Somi Douma in real life. She’s 22 years old at isinilang sa Canada.

Bukod sa pagiging singer, isa siyang rapper at dancer at siyang nanalo sa reality talent competition na Produce 101 na siyang naging daan ng kanyang pagiging bahagi ng 11-member na all girl-group, ang I.O.I. bago siya nag-solo. Siya’y lumagda sa The Black Label, ang entertainment subsidiary na YG Entertainment. 

Ang kanyang debut bilang solo artist happened nung June 13, 2019 sa pamamagitan ng kanyang hit single na Birthday na sinundan ng release ng kanyang first studio album na pinamagatang XOXO in 2021.

Sina Baekhyun at Jeon ay magkakaroon ng back-to-back concert bilang bahagi ng K-Pop OVERPASS Music Concert – Manila.

Ang tickets to the first concert in Manila ng dalawa ay available na online.

Napag-alaman din namin sa OctoArts big boss na si G. Orly Ilacad na bukod sa kanilang June 11 concert ay may kasunod kaagad ito sa buwan ng Agosto 2023 na ang isa sa featured perfor­mers ay ang all-girl members group na Lapillus na binuo and being managed by MLD Entertainment. Ito’y binubuo nina Chanty, Shana, Yue, Bessie, Seowon at Haeun.

The group debuted on June 20, 2022 sa paglabas ng kanilang hit single album na Hit Ya!.

Ang Lapillus ay naging bisita rin ng rich & famous businessman at da­ting politician na si G. Luis ‘Chavit’ Singson sa kanyang Baluarte at Narvacan Mansion in Ilocos Sur not too long ago.

Samantala, natutuwa kami sa OctoArts na muli nitong binuhay ang pagpu-produce ng live concerts featuring popular foreign artists. Ang kumpanya ang siyang nag-produce noon ng live concerts sa Pilipinas nina Stevie Wonder, Cindy Lauper, the late Laura Branigan, ang famous Norwegian band na Fra Lippo Lippi, Menudo at iba pa.

“This time, focused muna kami sa mga K-Pop artists,” pahayag ni Boss Orly.

KC, wish na forever na ang Swiss-Fil BF

It was last April 7 when KC Concepcion turned 38 pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nag-aasawa.

Kung ang estranged parents lamang ni KC na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang masusunod, gusto na rin nilang mag-settle ang kanilang panganay na anak.

KC is said to be in relationship ngayon sa isang Swiss-Filipino businessman na nagngangalang Steve Michael Wuethrich or simply Mike Wuethrich.

Umaasa ang malalapit na kaibigan ng singer, actress, celebrity endorser at jeweller na sana’y ito na ang ‘the one’ for KC.

vuukle comment

GENEVA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with