^

Pang Movies

Vice, todo pakilig kahit malayo sa asawa

Dianne Canlas - Pang-masa
Vice, todo pakilig kahit malayo sa asawa
Vice at Ion

MANILA, Philippines — Nag-trending kahapon ang It’s Showtime host na si Vice Ganda dahil sa pagpapakilig nila ng asawang si Ion Perez.

Damang-dama ang pagka-miss nila sa isa’t isa na base sa kanyang post - kasalukuyang nasa Canada si Vice para sa kanyang concert tour na VGful na gaganapin sa United States at Canada ngayong April.

Nagsimula ang pagpapakilig nila nang magkomento si Ion sa pinost ni Vice na kanyang litrato na “MAHAL KITA (na may kasamang mga kiss emoji)” na sinagot naman ni Vice ng “KALUGURAN DAKA! (at mga heart emoji)” na ang ibig sabihin ay ‘I love you’ sa Kapampangan.

Hindi pa doon nagtatapos ang kasweetan nila at pinakitang hindi naging hadlang ang pagiging malayo nila sa isa’t isa. Habang nasa isang teppanyaki-style restaurant ito, tila nag-request ito sa chef at ginawang hugis “ION (heart) VG” ang kanilang pagkain.

Lalong kinilig ang fans dahil effort na effort daw talaga ang misis ni Ion kahit hindi sila magkasama.

Kailan lang ay pinakilala nila ang kanilang ‘baby daughter’ na isang black and white Pomeranian na nagkakahalagang P380,000.

Gusto na raw talaga nilang magka-baby para lalong sumaya ang bahay nila kung saan meron na silang lalambingin, mamahalin at aalagaan.

“Gusto naming magka-baby para lalong sumaya ‘yung bahay namin, para may mapag-sharean ng saya ‘tas mayroon magpapasaya sa’ming bago.

“Mayroon kaming lalambingin, mayroon kaming mamahalin, aalagaan, para lalong maging masaya ang life.”

Hindi pa nila nilalantad ang pangalan ng kanilang ‘baby daughter,’ at ina­abangan din ang magaganap na binyag nito at kung sino ang mga kukunin nilang ninang.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with