^

Pang Movies

Netizens pinakalma ni Moira inaming bading ang kayakap ‘di jowa!

Pang-masa

MANILA, Philippines — “Kumalma po kayo. manager ko po yan. pareho po kami ng type,” reply ni Moira matapos bigyan ng malisya ng mga netizen ang photo nitong may kayakap na lalaki.

Si Mac Merla na manager niya ang nasabing kayakap ng singer na isang lantad na gay.

Gumawa nga ng ingay sa social media matapos mag-react ang mga netizen sa nasabing photo habang nasa Alberta, Canada (sa Banff National Park), sila.

Agad-agad nakabuo ng mga ispekulasyon ang mga netizen tungkol sa love life ng Eme singer.

Well, ang bilis kasi sa social media. Ginagawan agad ng kuwento sa ibang website base sa speculation ng mga netizen.

Anji, tumapang!

Ibibida ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 big winner na si Anji Salvacion ang kanyang mas matapang at mas kaakit-akit na imahe sa kanyang bagong single na Paraiso na mapapakinggan na simula Biyernes (Abr. 14).

 Dala ng upbeat track na una niyang proyekto sa ilalim ng Tarsier Records ang mensahe ng pagpapahalaga sa self-esteem at pagyakap sa sariling kahulugan ng paraiso.

Iprinodyus ng US-based producer na si Exale habang isinulat naman ng singer-songwriter na si Annie Lux ang awitin na tiyak magpapakita ng kakaibang musical style at paglago ni Anji bilang recor­ding artist.

“Self-confidence right now is very hard to achieve because everybody in this generation is competing with each other. I just want to remind everyone that it’s not about competing, it’s about going with your own pace and that’s what the song really means to me, embracing one’s self, your body, your beauty, your skin, your everything, your personality, that’s what it’s all about,” sabi ni Anji.

Ikinuwento rin niya ang kanyang reaksyon nang mapakinggan niya ang awitin sa unang pagkakataon.

“Yung pag-record namin sobrang nakakatuwa siya ‘cause when I first heard the song it made me confident about myself, it made me love myself even more so I want everyone to love themselves even more. If you’re hearing this everyone, love yourself,” saad niya.

vuukle comment

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with