^

Pang Movies

Dennis, malabong imbitahan sa kasal ni Julia!?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dennis, malabong imbitahan sa kasal ni Julia!?
Julia

Ni-like ni Dennis Padilla ang post ng anak na si Julia Barreto, na nasa Tiny Kitty’s Museum & Chimney Cafe and ArtSector Gallery sa Binangonan, Rizal.

Una ang pangalan ni Dennis sa mga nag-like ng post ng anak at mabuti, walang negative reaction ang followers at fans ng aktres.

Mabuti rin at hindi nag-comment sa post nito si Dennis dahil kung ginawa niya ‘yun, siguradong isyu na naman. Hindi rin naman in-acknow­ledge ni Julia ang pagla-like ng ama sa kanyang post, kaya tahimik ang IG feed ng aktres.

Sayang talaga na walang komunikasyon si Dennis sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto dahil ang daming mga ganap sa buhay nina Julia, Claudia at Leon Barretto. Gaya na lang ni Julia na successful ang The Juju Club business nito at kung okay silang mag-ama, maiimbitahan sana siya sa launching ng business nito at iba pang happening sa buhay nito.

Nalulungkot nga ang netizens na baka sa kasal nina Julia at Gerald Anderson hindi maimbita ang komedyante.

Ito ay kung magtatagal at hindi na magkakaayos ang relasyon ng mag-ama. Ang nakikita ng netizens, si Marjorie ang maghahatid kay Julia sa altar sa wedding nila ni Gerald.

Advance mag-isip ang fans at gusto sana nilang kumpleto ang parental nito sa kanyang kasal.

Barbie, ayaw pahalik sa labi!

Ang rami ng mga pumuri kay Barbie Forteza na hindi nakiuso sa pagpapa-tattoo kaya nanatiling super kinis ang balat ng Kapuso actress.

Ang ganda raw tingnan ni Barbie na maputi na nga ay super kinis pa, kaya gustung-gusto nila kapag naka-two-piece swimsuit ito.

Muli ngang nasaksihan ang kaputian at sobrang kinis nito nang magbakasyon sila ni Jak Roberto sa Bohol at panay ang pagsusuot ng swimsuit. Dagdag na suwerte raw ni Jak na si Barbie ang girlfriend dahil sa complexion pa lang, sobrang panalo na siya.

Anyway, back to work na ang marami sa atin at kabilang ang mga nasa entertainment industry. Ang fans naman nina Barbie at David Licauco ang sasaya dahil magsu-shooting na ang dalawa sa first movie na naka-line up na gagawin nila.

Kaya lang, parang malabo ang nire-request nilang kissing scene nina Barbie at David sa movie dahil hindi pa nagpapahalik sa lips si Barbie, hanggang sa cheek muna ang pinapayagan niya

P1 M na regalo sa nanay idinisplay... Kiray, nang-iinggit ng datung!

Pinasaya ni Kiray Celis ang nanay niya sa birthday nito dahil one million in cash ang birthday gift niya sa ina. Sa pinost na photo nito kasama ang ina na hawak ang one million, kita ang tuwa ng nanay ni Kiray at ang ngiti, abot sa mga mata.

Sabi niya, “Isang milyong regalo sa birthday ng aking ina. Kulang pa ya sa pagmamahal, pagaalaga at pagaasikaso mo sakin.. akala ko june ko pa mabibigay sayo. Pero nabuo ko ng maaga. Worth it lahat ng pagod at paos ko sa lahat ng trabaho ko. Sana maging inspirasyon ako sa mga kagaya kong anak na kapag napagod.. magpapahinga lang tapos tuloy ulit. Para maibigay lahat at makatulong sa pamilya natin.

“Maliit man o malaki, basta galing sa puso ang tulong mo.. na appreciate yan ng mga magulang niyo. Mabuhay lahat ng bread winner na anak sa mundo.”

Naalala namin, sa birthday ng ama, cash din ang regalo niya at kung ilang taon ang ama, ganu’n din ang halaga ng ibinigay. Pati mga kapatid at pamangkin, natutulu­ngan niya.

Pinuri siya ng netizens sa pagiging mabait na anak, pero may mga hindi rin natuwa dahil nagyayabang daw siya at dapat hindi na pino-post kapag tungkol na sa milyones.

May nagpayo rin sa kanya to be careful sa pagpo-post tungkol sa pera at baka may masasamang tao na akyatin na lang ang bahay nila para sila ay pagnakawan.

vuukle comment

JULIA BARRETO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with