^

Pang Movies

Donny at Belle, maraming pinagdaanan!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Walang mag-aakala na ang tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano ay isa sa tatanghaling hottest loveteam sa bagong henerasyon na nangyari lamang nang sila’y pagtambalin sa iWantTFC series na He’s Into Her na hango sa popular Wattpad book series.

Hindi ikinakaila ng dalawa na dumaan sila sa audition (go-see) for their respective roles sa He’s Into Her na ang alam nila nung una ay para sa isang bagong show at wala silang idea kung ano ito.

Naka-tatlong go-see si Belle bago niya nalaman na ito’y para sa He’s Into Her mini series.

Taong 2019 pa nabuo ang proyekto pero ito’y naurong to a much later date dahil sa pandemic at naipalabas lamang ito nung 2021.

Although almost five years ang tanda ni Donny kay Belle, mas naunang pumasok ang huli sa showbiz dahil nagsimula siya sa edad na nine nang siya’y maging bahagi ng long-running kiddie gag show na Goin’ Bulilit ng ABS-CBN.

It will be considered na nag-iba ang takbo ng kanilang respective careers nang maging hit ang kanilang unang tambalan sa He’s Into Her na nagkaroon pa ng Season 2. Ito’y nasundan ng kanilang first digital movie together, ang Love is Color Blind and their first theatrical released movie, ang Inconve­nient Love at kasunod na rito ang kanilang kauna-unahang full-length TV series na nakatakdang simulan sa last week of March at nakatakdang idirek ni Mae Cruz-Alviar.

Ang team-up nilang DonBelle ay siyang hottest loveteam sa kasalukuyang bagong henerasyon.

Maraming Salamat…

Hanggang ngayon, Salve A., ay hindi ko pa rin alam kung paano ko sisi­mulan ang pagpapasalamat sa lahat ng mga taong naging bahagi sa matagumpay na wedding ceremony and reception ng kaisa-isa kong anak na si Aila Marie Amoyo Reyes-Cristobal at mister na niya ngayong si Emmanuel John Cristobal nung nakaraang Sabado, Feb. 18, 2023 na ginanap sa Santuario de San Jose in Greenhills, Mandaluyong City at sa ballroom ng New World Hotel in Makati City.

Una kong pasasalamatan ang guest officiating priest na si Msgr. Rigoberto de Guzman (ninong ni Aila sa kumpil) na siya ring officiating priest sa kanyang confirmation na ginanap sa Antipolo Cathedral kung saan nanilbihan ng maraming taon si Msgr. Rig bilang pa­rish priest ng maraming taon. Pangalawa ay ang mga tumayong principal sponsors na sina dating Vigan Governor Luis ‘Chavit’ Singson, former president and now Senior Deputy Speaker of the House of Representatives Gloria Macapagal-Arroyo, former Senate president Vicente ‘Tito’ Sotto III who was represented by his only son, Quezon City Vice Mayor Gian Sotto, Sen. Loren Legarda sent her proxy na si Ms. Fine Tallada. Ben Chan did not make it to the wedding because of his business trip in Singapore, maging ang Star for All Seasons at dating politician na si Vilma Santos-Recto who had to beg off at the last minute due to some personal reasons.

Hindi rin nakarating ang boxing hero na si Sen. Manny Pacquiao na nagka-hangover sa kaarawan ni Sen. Jinggoy Estrada the night before pero dumating ang mag-asawang Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla at Rep. Lani Mercado-Revilla. Hindi rin nakarating ang big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario na sinumpong ng pananakit ng kanyang tuhod pero naroon ang kanyang first cousin, ang OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad. Duma­ting din ang iba pang sponsors tulad nina Charo Santos-Concio, Lorna Tolentino, Rei Anicoche-Tan (ng Beautederm), Eastern Samar Rep. Maria Fe Abunda (elder sister of King of Talk Boy Abunda), Eastern Samar Gov. Ben Evardone, Ever Bilena big boss Dioceldo Sy, Robbie Tan and wife Shirley Tan, celebrity couple Ogie Alcasid and Regine Velasquez Alcasid were represented by Ogie’s elder siblings na sina Tony and Agnes Alcasid, celebrity couple Patricia Javier and Doc Rob Walcher, award-winning actress Lorna Tolentino, Dr. Ramon ‘Mon’ Villarama and fiancée Snooky Serna, US Immigration lawyer Jemela Nettles, IPS Group of Companies President and CEO Koji Miyashita, Filipina Diva in Japan Marlene de la Pena, Alex Aquino, couple Ben Kho and Liz Alindogan -Kho, NutriTech big boss Jos de la Luna, Ma. Teresa Torres, Maria Teresita Santos, Leo Montes, Cristina Castillo-Decena, businessman Louie Razon-Gamboa, businesswoman Florita Santos, businesswoman Marlene Liao, Jerry de Ocampo and more.

Sa inyong lahat, maraming-maraming salamat sa inyong pagdalo. (Congra­tulation, Aila and John. And to the mother of the bride, Tita Aster. – Salve. )

vuukle comment

DONNY PANGILINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with