^

Pang Movies

Concert ni Toni, inaabangan ng bashers at haters!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Concert ni Toni, inaabangan ng bashers at haters!
Toni

Abang-abang ang bashers at haters ngayong gabi sa I Am Toni concert ni Toni Gonzaga.

 Ngayong gabi na nga magaganap ang I Am Toni, ang 20th anniversary concert ni Toni, sa Araneta Coliseum na ididirek ni Bobet Vidanes.

Inaasahang mapupuno ang Araneta dahil inamin ng producer nitong si Joed Serrano (bumili ng 300 tickets) na kasama sa namakyaw ng ticket ng concert ang mommy ni Toni na si Mommy Pinty (350 tickets) na ipinamigay sa kanyang mga kaibigan.

Magiging guest ni Toni si Alex na bongga ang naging ‘birthday bash.’

Yup, literal na trending ang kanyang ‘birthday bashing’ dahil sa pamamahid ng icing ng cake sa isang waiter, si Allan Crisostomo.

Nag-sorry na si Alex the other night pa pero trending pa rin siya at parang walang planong tantanan ng bashers and haters.

At aminado ang mister nitong si Mikee Morada na walang excuse sa pagkakamali ng misis na hindi na bago kumbaga ang mga pang-ookray.

Nagiging biktima rin ang batang pulitiko ng mga kalokohan ng misis na host and vlogger.

Eh kung ang parents nga ni Alex inookray niya, what more ang ibang tao.

Parang wala rin namang nag-unfollow kay Alex sa YouTube dahil as of kahapon, 13.1 million ang followers niya.

Na parang the more na naba-bash siya the more na dumarami ang nanonood ng vlog na nagpapalaki pa ng kita niya in dollars.

Kat, humirit ng ‘people will cancel you for cake, but celebrate you for rape’

Samantala, marami nang sumali sa kontrobersiya ni Alex tungkol sa icing nang mag-celebrate siya ng birthday, kasama na si Kat Alano na nag-tweet kahapon ng “people will cancel you for cake

“but celebrate you for rape.”

Dawn at Direk Paul, nakabalik na mula sa switzerland

Malabong patulan ni Dawn Zulueta ang pambaba-bash sa kanya dahil sa biyahe sa Davos, Switzerland.

Lalo na nga at kinumpara pa siya kay Mocha Uson.

Kung noon daw kasi ay si Mocha ang nakakasama ng delegation ni dating pangulong Duterte, ngayon daw parang ang dating actress at misis ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo.

Aside from Dawn, kasama rin sa Davos si Presidential Adviser on Creative Communications Secretary Paul Soriano. Ito kaya ang rason kay hindi siya ang director ng concert ni Toni?

Itinanggi ng Malacañang ang 70-person delegation para sa 2023 World Economic Forum sa Switzerland na kasama nga raw sina Dawn and Direk Paul.

Heaven, big time politician ang dini-date?!

Pinagdududahang jowa ngayon ng isang batang pulitiko na galing sa maimpluwensyang pamilya si Heaven Peralejo.

Duda lang naman dahil nakikita raw itong kasa-kasama ng batang pulitiko na diumano’y mahilig sa mga sexy star.

Sa BGC daw nito madalas puntahan ang pulitiko kung saan may unit ito sa isang condo building doon.

Pero may ibang sexy star na nali-link sa pulitikong ito.

Nanette at Regine, papasok sa ending ng Darna?!

Totoo ba na inooperan sina Nanette Medved at Regine Velasquez para maging ‘pasabog’ na guest sa nalalapit na ending ng Mars Ravelo’s Darna?

Yes, naghahanap daw ng bonggang guest ang production nito para pangabog ang ending.

Anyway, habang patuloy nasusubaybayan si Jane de Leon bilang Darna sa Pilipinas ay napapanood na rin ng Indonesian viewers ang Bahasa Indonesian-dubbed version ng makabagong kwento ng iconic Pinoy superhero sa free TV network na ANTV.

Sa pagtatapos ng pilot week nito, naging maganda ang pagtanggap ng Indonesian viewers sa kwento ni Narda at mas napabilib sa kanyang unang transpormasyon bilang Darna.

Ibinahagi rin ng ANTV chief program and communications officer na si Kiki Zulkarnain ang kanilang galak na dalhin sa Indonesia ang kwento ni Darna, na layon ding magbigay inspirasyon sa Indonesian viewers.

Aniya, “We have always presented programs with a narrative closely associated with the daily lives of Indonesian people. As we begin the year, we present a new genre to our viewers that tell the story of the iconic Filipino heroine Darna, which also appeals to our younger audiences as she serves as a perfect role model for them. Darna certainly makes our programming more diverse, and we hope it will not only entertain but instill values in the youth through her acts of kindness and bravery.”

Samantala, palabas na rin ang teleseryeng pinagbidahan nina Charlie Dizon, Joshua Garcia, Dimples Romana, at Jake Cuenca na Viral Scandal sa 41 bansa sa Sub-Saharan Africa, kabilang ang Nigeria, Ghana, Seychelles, at Ivory Coast.

Iikot ang serye sa laban ni Rica (Charlie) na makamit ang hustisya mula sa mapamantalang eskandalo na pilit sisira sa kanyang reputasyon at ng kanyang pamilya.

Ilan lamang ito sa mga programa at pelikulang hatid ng ABS-CBN sa mga manonood abroad, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa.

Kabilang sa mga itinampok na de-kalibreng programa abroad ay ang FPJ’s Ang Probinsyano, Sino ang Maysala?: Mea Culpa, La Luna Sangre, Since I Found You, Ang sa Iyo ay Akin, at The Legal Wife sa Africa, ang 2015 remake ng Pangako Sa ‘Yo sa Latin America, The Blood Sisters sa overseas territories ng France, at kamakailan tatlo sa primetime serye nitong Marry Me, Marry You, On the Wings of Love, at Halik sa Malaysia.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with