^

Pang Movies

Zia, marunong na ring mag-ukulele

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Zia, marunong na ring mag-ukulele
Zia

Nakabibilib si Zia Dantes dahil sa edad niya, ang dami nang alam gawin at nagagawa na hindi pa kaya ng ibang bata. Mapa-sports man o music, alam ni Zia. Heto nga at pinahanga na naman niya ang netizens dahil alam nang tumugtog ng ukulele at siya rin ang kumakanta ng You are my Sunshine, kaya may karapatan si Marian Rivera na i-flex ang anak.

Nauna nang natutong mag-drums si Zia at sa turo at guidance ng amang si Dingdong Dantes, nag-aaral na ring maggitara. In due time, matututunan din niya ito.

Nakita na rin natin sa post ni Dingdong na nagho-horse back ri­ding si Zia at nag-excel din sa fun run. Tanong nga ng fans, magse-se­ven years old pa lang si Zia, exciting ang pag-aabang ng mga kaya pa niyang gawin in the future.

Idagdag pa na marunong din ng gawaing bahay si Zia, naghuhugas siya ng plato at nagma-mop ng floor. Kapag natutong magluto si Zia at an early age, wala na, may nanalo na!

Juday, inalala ang pagkanta ng apo sa kasal nila ni Ryan

Ang gandang basahin ng mala-letter na mensahe ni Judy Ann Santos kay Danny Javier ng APO Hi­king Society na pumanaw noong isang araw. Inalala ni Judy Ann na ang APO na kumanta sa reception ng wedding nila ni Ryan Agoncillo.

Sabi ni Noel Ferrer, manager ni Ryan, sa kasal nila ni Judy Ann, tanging ang APO Hiking Society lang ang napusuan ng dalawa na mag-perform sa reception ng kanilang kasal. Dumating ang APO para sa itinuturing nilang bunso sa “Sang Linggo NAPO Sila” na si Judy Ann nga.

Joshua, nag-flex ng relasyon nina Ria at Zanjoe

Pabirong kinakantyawan ng fans si Joshua Garcia dahil nauna raw kina Zanjoe Marudo at Ria Atayde na i-out ang kanilang relasyon. Si Sylvia Sachez kasi, sinabi lang na dating ang anak na si Ria at si Zanjoe, pero sa mga na-share na photos ni Joshua habang nagbabakasyon silang tatlo sa Japan, hindi na lang basta dating ang status ng dalawa.

Sa isang photo, habang naglalakad sina Zanjoe at Ria, nakahawak si Ria sa braso ni Zanjoe. Sabagay, puwedeng sabihin na careful lang si Ria na baka madulas siya, kaya nakahawak sa braso ng aktor.

Pero sa isa pang picture, kahit natatakpan ng parang kurtina, masisilip pa rin na magkayakap sina Zanjoe at Ria. Sa yakap na ‘yun, nasagot ang mga tanong kung ano ang status ng relasyon ng dalawa at sila na nga ang bagong showbiz couple sa Kapamilya stars.

Sa iba pang photos nina Joshua, Zanjoe at Ria, kasama na nila sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, at si Robi Domingo. Sa mga larawan, laging magkatabi sina Ria at Zanjoe at may photos din na sina Zanjoe, Joshua, at Daniel lang ang magkasamang kumakain. May bonding ang boys, naiwan ang girls.

Siguradong may blessing nina Zanjoe at Ria ang pagpo-post ni Joshua ng photos nilang dalawa.

vuukle comment

ZIA DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with