Alden, tuloy na tuloy na sa concert tour   

Alden

Tuloy na ang coming US concert ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards na ForwARd Alden Richards. Ayon kay Alden, “moving forward with purpose,” na after ng success ng kanyang Forward Online Documentary Concert, ng kanyang @ARfoundationinc, time na para naman mapanood ito ng mga kababayan natin abroad, lalo pa at more than two years ding walang nakapag-live concert doon dahil sa COVID-19 pandemic.

Nag-release na ng schedule ang NY Entourage Productions, producer ng concert: sa Sept. 3, sa San Mateo, California; Sept. 4, sa Valley Center, California; Sept. 10, sa Chicago, Illinois at sa Sept. 11, sa Jacksonville, Florida.

Magiging special guest ni Alden si Sue Rami­rez.

Sparkada, may sepanx

Sa ginanap na zoom mediacon ng Sparkada ng GMA Artist Center, bakas ang saya nila ngayong may mga ginagawa na silang projects sa GMA Network. 

Una nga rito ang bumubuo sa cast ng LUV IS: Caught in His Arms! na first collaboration ng GMA at Wattpad. Pangungunahan ito ng Sparkada love team nina Sofia Pablo at Allen Ansay, na nagustuhan ng viewers nang magtambal sila sa Sunday afternoon prime na Raya Sirena.

Kasama nila ang mga Sparkada na sina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales at Tanya Ramos. 

Mukhang naging maganda ang samahan at experiences nila sa lock-in taping sa out-of-town location nila, kaya kuwento nila, ngayong papatapos na ang taping nila, ay may separation anxiety na silang nararamdaman. 

Meanwhile, nag-share rin ang dalawa pang Sparkada, sina Anjay Anson at Vaness Pena na naging magka-love team sa first project nilang Widows’ Web at hinangaan na sila sa pagiging mahusay sa pag-arte at pagiging professionals. 

Napapanood na rin ngayon si Anjay sa isang segment ng morning balita na Unang Hirit sa GMA 7, kasama si Sparkada Roxie Smith. May isa pang show si Roxie, ang sitcom na Tols katambal ni Kelvin Miranda sa GTV every Saturday evening.

FL..., may pahiwatig

Masaya ang grand finale ng First Lady nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, na sa presidential inauguration ni President Glenn Acosta, kasabay ang pagsakit ng tiyan ni preggy First Lady Melody, kaya isinugod siya sa hospital para isilang ang pang-apat na anak nila.

Pero bakit tatlong yaya ang kinuha ng mag-asawa, sina Glaiza de Castro, Rabiya Mateo at Carla Abellana. 

Mukhang hindi magtatagal at magkakaroon ng season 3 ang serye, dahil ang iniwan nilang salita ay “hanggang sa muling pagkikita!”

Sa pagtatapos ng First Lady, mapapanood na ang adventure serye na Lolong, tampok si Ruru Madrid as Lolong.

Show comments