^

Pang Movies

Rabiya, inaming matigas ang ulo ‘pag in love   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Rabiya, inaming matigas ang ulo �pag in love            

Hindi napigilang ma­ging emosyonal ni Rabiya Mateo sa virtual mediacon kahapon for Signed for Stardom ng Sparkle GMA Artist Center.

As we all know ay kasisimula pa lang ng relasyon nila ng isa ring Sparkle artist na si Jeric Gonzales at may mga tsika nga lately na parang nagkakaroon sila ng problema dahil na rin sa recent post ni Rabiya.

Sa tanong kung ano ang mas priority niya between career and love life, ani Rabiya, “I will be honest talaga, ‘pag nagmahal talaga ako, all-out and…” at nagsimula nang gumaralgal ang kanyang boses.

“Umiyak?,” biro niya sa sarili sabay-tawa.

“Ang dami kong sinacrifice rin for this man. Ilang beses na rin akong napagalitan ng management ko dahil matigas daw ‘yung ulo ko pero ‘pag nagmahal po talaga ako, totoo. And I can sacrifice few things kung ‘yun ‘yung makakabuti sa akin at kay Jeric,” emosyonal niyang wika.

Patuloy niya, “mahalaga sa akin ang trabaho pero mahalaga rin po sa akin si Jeric.”

Tungkol sa kanyang cryptic post sa Instagram kung saan nga nagsimula ang ispekulasyon na baka may problema ang relasyon nila ni Jeric, aniya ay wala naman itong kinalaman sa aktor at tungkol daw ito sa buhay.

“Na there are things that I do regret na ginawa ko sa sarili ko and I tolerated that but it has nothing to do with Jeric because kami po ni Jeric, lumalaban po talaga kami sa buhay. And aminado naman po namin that we’re not perfect,” she said.

Marami raw ang nagsasabi sa kanya na kung gusto niya ng magandang career ay huwag siyang mag-boyfriend or pumili ng artista for a BF.

“Pero I didn’t listen to them and I chose to love at its fullest,” deklara ni Rabiya.

Hindi naman daw sa gusto niyang patunayan na tama siya kaya hindi niya sinusunod ang mga nasabing advice.

“It’s just that I just want to be the author of my story. Kasi there were moments in my life din na akala ko ‘pag nakinig ako sa iba, ‘yun ‘yung makakabuti sa akin and then I would have regrets na sana, I did what I want, na sana sinunod ko kung ano ‘yung voice rin inside my head. And this time siguro, mas naging matapang ako na ipaglaban kung ano ‘yung mga importante po sa akin,” pahayag ni Rabiya.

Nahingan naman si Jeric ng reaksyon sa mga tinuran ni Rabiya at ayon sa aktor, malaki ang pasasalamat niya na dumating si Rabiya sa buhay niya. Before this ay tanging sa sa career lang daw siya talaga naka-focus dahil marami pa raw siyang gustong ma-achieve.

“Nu’ng dumating siya, I thought it’s gonna be hard, of course it’s gonna be hard coz it’s a relationship. Pero hindi ko na-feel na hindi ko kakayanin, eh. Na-feel ko na mas lalo akong naging masaya, mas lalo akong naging inspired, mas lalo akong ginanahan, mas lalo akong na-push to do the best in me, alam mo ‘yun?

“And this is the first time kasi na lumabas ako sa public, sa showbiz na I have a girlfriend. For a very long time, wala naman talaga akong pinapakilala and ngayon lang ako naging proud.

“I couldn’t be more proud na sabihin sa mga tao na ang swerte ko coz sinagot ako ng isang Rabiya Mateo,” he said.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with