^

Pang Movies

Donita, engaged na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Donita, engaged na!

Congratulations kina Donita Rose and Felson Palad dahil engaged na ang couple at in-announce ito ni Donita sa Instagram. Gamit ang larawan nila ng fiance na magkayakap at kita ang engagement ring na suot ni Donita, ang caption sa picture ay “Am now officially engaged!”

Marami agad ang nag-congratulate kina Felson at Donita, mga taga-showbis at masaya sila para kay Donita.

Deserve raw ni Donita ang maging masaya, lalo na sa kanyang love life dahil alam naman natin ang nangyari sa kanila ng kanyang ex-husband.

Wala pang binanggit si Donita kung kailan ang wedding nila ni Felson and in fact, nag-attend pa sila ng wedding.

Mga alahas ni Heart sa Cannes milyunan ang presyo

Ayan na! Prenesyuhan na ang jewelry na suot ni Heart Evangelista nang rumampa sa red carpet ng Cannes Film Festival suot ang red gown na design ng Tony Ward couture.

Nabanggit ni Heart na ang jewelry na suot niya ay mula sa Bangkok-based jewelry brand na Matara Studio. Suot that time ni Heart ang Mizzle and Oyster Bay rings at Tri-Merald earrings.

Agad hinanap ng fans ni Heart ang mga alahas na kanyang suot at napresyuhan. Ang two Mizzle rings sa Thai Baht ay 175,000 o P267,812 sa Philippine peso at 155,000 Thai Baht o P237,210 sa peso. Ang Oyster Bay ring sa Thai Baht ay 22,500 at sa Philippine peso ay P34,433. Ang Tri-Merald earrings sa Thai Baht ay 185,000 at sa Philippine peso ay P283,121.

Ang total peso worth ng jewelry na suot ni Heart sa kanyang pagrampa at P822,581.

Hintayin natin na presyuhan din ang alahas na suot ni Heart sa iba pang event sa Cannes Film Festival.

Kuya Kim, isolated pa rin dahil sa COVID

Tinamaan ng Covid-19 si Mars Pa More host Kim Atienza at naging dahilan ‘yun para hindi siya maka-attend sa High School graduation ng anak na si Eliana noong May 28.  Naka-home isolation si Kuya Kim pagkatapos mahawaan ng Covid-19.

Sabi ni Kuya Kim, “I took a leave for this day I was sooo looking forward to but covid took the better of me and I had to isolate at home.”

Kaya sa bahay na lang, habang naka-isolate ipinaabot ni Kuya Kim ang kanyang pagko-congratulate sa kanyang high school graduation.

“Parents are like bows and you are like an arrow. Our job is to shoot you far and straight and high... far away from us. It is sad but that’s what parents are designed to do.”

 Sa International School Manila nag-graduate ng high school ang daughter ni Kuya Kim at asawang si Felicia Hung-Atienza.

Sa University of Pennsylvania magka-college ang daughter ni Kuya Kim na nabasa namin, the same university na member ng Ivy League rin graduate si Mrs. Felicia Hung-Atienza.

Julie Anne, negosyante na rin

Pumasok na rin sa business si Julie Anne San Jose at clothing line ang napili niya at ng kanyang kapatid na si Joana. Tinawag nilang Mundane Club ang clothing line noong May 28. Gusto ng magkapatid na makilala ang kanilang brand na nagpo-promote ng sustainability.

“Hello, Mundane! Months of preparation on our passion project and it has come to life! Today we launch our brand @mundaneclub and we proudly introduce to you our first collection- Anne, Marie, Christine.”

Mukhang hindi mahihirapan sina Julie at Joana sa clothing line nila dahil marami agad ang inquiries at nangako ng suporta at magiging kliyente nila.

Speaking of Julie, nabanggit nitong may gagawin siyang big project sa GMA-7 at excited na siya. First time rin daw niya makakapareha ang kanyang magiging leading man na sikteto muna kung sino.

vuukle comment

DONITA ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with