^

Pang Movies

Dawn, tinawag na panget!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Dawn, tinawag na panget!

Nagkakainitan na ang supporters nina VP Leni Robredo at Bongbong Marcos at hindi na lang sa magkalabang presidentiables focus ang sagutan, pati na ang kani-kanyang supporters.

Paano ba naman. May supporter si VP Leni na tinawag na “pangit” si Dawn Zulueta dahil lang sa BBM supporter ito. Pinagtawanan ng BBM supporter ang tumawag na pangit si Dawn at bilang ganti, may mga binanggit silang pangalan ng supporter ni Leni na hindi raw kagandahan. Ang mga ito raw ang dapat tawaging pangit at hindi si Dawn na diyosa sa kagandahan ang level.

Nabanggit namin noon na mabuti at hindi naba-bash si Dawn ng supporters ng ibang presidentiables kahit open sa suporta kay BBM. Nagkamali kami dahil heto at nag-umpisa na ang pamba-bash sa kanya at tinawag talaga siyang pangit?

Siguradong pagtatawanan lang at dededmahin ni Dawn ang pagtawag sa kanya ng pangit dahil hindi totoo at malaking kalokohan.

Ana, binura ang mga picture nila ni Kit

Major cropping ang ginawa ni Ana Jalandoni sa kanyang Instagram dahil sa rami ng kanyang post dati, apat na lang ang kanyang itinira. Isang picture na lang ni Ana ang nasa IG niya dated March 16, bago pa siya saktan ng boyfriend na si Kit Thompson, kaya mababasa ang comment ni Kit na “see you later.”

On the other hand, natutuwa ang followers ni Ana na dinelete niya ang photos nila ni Kit at sana raw, hindi na siya makipagbalikan pa sa boyfriend. May mga patuloy pa ring nagwi-wish for Ana to get well.

 Wish din ng netizens na ituloy ni Ana ang demanda kay Kit na tinatawag ngayon na “Sakit Thompson” at mukha namang itutuloy dahil may presscon na naganap at humarap sa press si Ana at ang lawyers nito. Kung saan, sinabi ni Ana na mahal pa rin niya si Kit, hindi raw agad ‘yun mawawala

May Korean restaurant pala itong si Ana, kaya pala may mga nagpapa-treat sa kanya ng Samgyeopsal at iba pang Korean dishes. Hindi lang nabanggit ang pangalan ng Korean resto ni Ana at kung saan.

Rufa Mae nakauwi na sa bagong bahay

 Nasa bansa na nga si Rufa Mae Quinto, nakabalik na ito after ma-lockdown sa San Francisco, California for a long time. Isa sa agad pinost ni Rufa pagbalik ay ang kanyang bahay na matagal hindi nakita.

“Hello to our new house in the Philippines! After more than 2 years, nakita din kita,” caption ni Rufa sa kanyang magandang bahay. Bago yata ang bahay ni Rufa nang umalis siya pa-Amerika, hindi pa nila halos natirahan ng kanyang anak at ang pagkakaalam namin, may bago rin silang bahay sa Amerika ng kanyang husband.

Anyway, nakipag- meeting din si Rufa sa Sparkle GMA Artist Center at ang ibig sabihin nito, magbabalik siya sa  GMA-7. Maganda sana kung maggi-guest siya sa Bubble Gang  habang wala pa siyang regular series at tiyak, matutuwa ang viewers ng gag show.

AiAi parang hindi sa kanya ang katawan

Sa latest TikTok na in-upload ni Aiai delas Alas kasama ang mga babaing cast ng GMA Afternoon Prime na Raising Mamay,  mas sexy pa siya sa kanyang mga kasama. Sa suot pa lang ni Aiai sa pang-itaas na obvious na swimsuit, lumabas na ang kanyang kaseksihan.

 Lalo nang pasilip ni Aiai sa boobs ang mga kasamang girls na tiyan lang ang kayang i-expose.  Kaya, aliw basahin ang mga comment, lalo na ‘yung nagsabing sa sobrang sexy ni Aiai, akala niya ipinatong lang ang ulo niya sa katawan ng babaing nagsasayaw.

Marami ang nag-agree sa nag-comment na mas seksi at mas energetic pa siyang magsayaw kesa ibang girls na totoo naman.

vuukle comment

DAWN ZULUETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with