^

Pang Movies

Sexy at magandang aktres, pinagpalit ng babaerong rich businessman sa bagong babae

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Hiwalay na pala ang isang sexy at magandang actress at ang nakarelasyon niyang rich businessman na nasa pulitika rin. Ang pangit ng rason ng businessman at politician sa pakikipaghiwalay sa aktres at hindi kapani-paniwala lalo’t nakikita mo naman kung gaano ka maalaga sa kanyang katawan ang sexy actress.

Tama ang paniwala ng mga nakaalam sa relasyon ng sexy actress at ex niya, rason ‘yun ng babaero at gusto lang maki­paghiwalay. Ang tsika pa nga, nakahanap agad ang ex ng aktres ng kanyang kapalit at isa sa mga araw na ito, malalaman din natin kung sino siya.

Nagulat lang kami sa tsikang ito dahil naalala namin ang sinabi ng sexy actress dati na hindi siya makikipagrelasyon sa may asawa’t mga anak dahil ayaw niya ng problema. Pero ginawa pa rin niya, ano ‘yun, na-in love siya sa guy?

Momshies, walang imbyernahan sa ibobotong kandidato

Dapat pamarisan sina Karla Estrada at Melai Francisco na kahit magkaiba ang sinusuportahang presidentiable, nanatili ang friendship at hindi uso sa kanila ang cancel culture.

Nag-post si Melai ng “Ang boto ko para kay VP Leni Robredo ay boto ko para sa magandang kinabukasan ng mga kabataang Pinoy!”

Isa sa mga nag-comment si Karla Estrada na si Bongbong Marcos naman ang suportadong presidente. Sabi ni Karla, “Love you lai” at “Go go momshie mels! Amping” at sumagot si Melai ng “yesyesyes ikaw pod chambe.”

Pero, kung sina Karla at Melai nirerespeto ang choice ng bawat isa, mukhang hindi ito matanggap ng followers ni Melai. Si Karla lang pala ang maka-BBM sa hosts ng Magandang Buhay dahil si Jolina Magdangal ay maka-Leni rin, pero wala silang parinigan at hindi nag-aaway-away.

Ricardo at Marina, gaganap na mag-asawa

Magkasama ang real life  couple na sina Ricardo Cepeda at Marina Benipayo sa Mano Po Legacy: Her Big Boss at mag-asawa rin sila rito. Dahil Lim din ang apelyido ng karakter ni Ken Chan bilang si Richard Lim, in-assume na naman na sina Ricardo at Marina bilang sina Alex Lim at Elaine Dy-Lim respectively, sila ang gaganap na parents ni Ken.

Ang description sa karakter ni Marina ay “The Socialite Mom” at si Ricardo ay “The Patriarch.”

Sa Monday, March 14, 9:35 p.m. na ang world premiere ng Her Big Boss sa directon ni Easy Ferrer.

Ito ang second story ng Mano Po Legacy na ibang-iba sa pelikula na puro drama. Ang TV version ay may rom-com, ito ngang Her Big Boss at comedy raw ang susunod na story.

Kris, ginawang dilaw ang puso

Hindi lahat naintindihan ang request ni Kris Aquino sa isang fan pa na yellow hearts “Or (heart with ribbon emoj) I’m sure gets nyo na why wag muna red” ang gamitin ng mga magko-comment sa post niya.

Pakiusap lang naman kay Kris at kung susundin, salamat at sa mga nagalit pa at may mga sinabi pa, salamat din. Sabi ng mga nakaintindi. Susundin nila ang request ni Kris dahil red nga naman ang political color ni Bongbong Marcos.

Comment ng mga hindi nakaintindi, dapat hindi muna isipin ni Kris ang pulitika habang nagpapagaling siya. Sana raw mag-focus na lang si Kris sa pagpapagaling at ‘wag nang magpa-stress sa color ng heart emoji.

Anyway, in two weeks time, lilipad na sina Kris at mga anak na sina Josh at Bimb pa-Amerika para roon ipagpatuloy ang pagpapagamot.

Dahil matatagalan ang treatment, sa Amerika na rin makakaboto si Kris.

Lolong, hindi na naman nakakapag-taping

Akala namin si Ruru Madrid lang ang tigil ang taping ng Lolong dahil naaksidente, na-fracture ang right foot nang tumalon ng mataas sa isang action scene niya sa nasabing series ng GMA 7.

Tigil pala ang buong taping at nakakapanghinayang nga dahil sa kuwento ni Ruru, five days na lang at matatapos na ang taping.

Kaya lang, hindi niya kaya at naka-cast ang right foot niya at gumagamit siya ng saklay. Sabi nito, two to four weeks niya kailangang magpahinga. Pero, sabi ng doctor sa 24 Oras, six weeks kailangang magpahinga at magpagaling ni Ruru.

Matagal matitigil ang taping, aabot pa kaya ang Lolong bago ang election?

Hindi ba puwedeng kumuha na lang ng double for Ruru para matapos na lang ang taping?

Ang alam namin, ang ibang cast, tapos na ang mga eksena kaya nakauwi na at kabilang si Ruru sa naiwan dahil mga eksena niya ang kukunan.

vuukle comment

MELAI FRANCISCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with