^

Pang Movies

John Lloyd at painter jowa, nag-bonding kasama ang anak nila ni Ellen!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
John Lloyd at painter jowa, nag-bonding kasama ang anak nila ni Ellen!

Nakakasama nina John Lloyd Cruz at rumored girlfriend nitong si Isabel Santos si Elias, ang anak nina JLC at Ellen Adarna. May post si Isabel na magkasama sila nina JLC at Elias sa isang beach. Hindi lang nabanggit kung saang beach sila nagpunta at wala ring makapag-comment dahil nakalagay sa “Comments on this post have been limited.”

Kaya ang followers ni Isabel sa Instagram at ang fans ni JLC, hanggang tingin na lang sa photos. Waiting ang fans ng aktor kung kailan niya ire-reveal si Isabel at kung kailan niya ipakikilang special someone niya.

In fairness, walang nagnenega sa bagong karelasyon ni JLC, lalo’t low key, may sariling mundo at hindi pini-flex na BF niya si JLC. Parang kung sino lang ang makaalam ayos na sa kanya.

Apo ng mahusay at sikat na painter, cartoonist, at illustrator na si Malang Santos at anak ng mga mahuhusay ring painters na sina Soler at Mona Santos. Isa ring painter si Isabel at art collector (nagpi-paint din yata si JLC), kaya magkasundo sila.

‘Di na natuloy kay Lloydie… Andrea at Ian, magtatambal sa mini-series

May tentative title na A Love To Kill ang original Netflix mini- series na pagsasamahan nina Ian Vene­racion at Andrea Torres at produced ng Studio 360. Sa Iloilo ang shooting ng mini-series na tatagal ng isang buwan.

Wala pang binanggit na director at ibang cast na makakasama nina Ian at Andrea at kung kailan sisimulan ang shooting.

Mabuti at wala pang bagong project sa GMA 7 si Andrea, makakapag-focus siya sa project nila ni Ian. Parang hindi na natuloy ang unang balita na si Andrea ang leading lady ni JLC sa sitcom ng actor na Happy ToGetHer at iba-ibang aktres na lang ang guest every week.

David at Shaira, gagawan ng pelikula

Magandang balita na mag-a-active na rin sa pagpoprodyus ng pelikula ang OctoArts Films ni Orly Ilacad na pagbibidahan nina David Licauco at Shaira Diaz. Sa naganap na virtual meeting, present din si director RC delos Reyes na kung ‘di kami nagkakamali, baka siya ang director.

Baka co-produced din ito ng ALV Productions ni Arnold Vegafria dahil ang mga bida na sina Shaira at David ay pareho niyang talent. Pareho ring Kapuso stars ang dalawa, kaya hindi mahihirapan ang OctoArts Films sa schedule nina Shaira at David.

Saka, si Shaira na lang yata ang may lock-in taping sa Lolong. Si David ay wala pang next project after Mano Po Legacy: The Family Fortune na magtatapos na sa Friday, Feb. 25.

Laya na sa quarantine…

Ang gandang tingnan ng mga larawan ni Dennis Trillo kasama ang anak na si Calix at anak ni Jennylyn Mercado na si Jazz na nag-bonding by biking.

Hindi ‘yun ang first time na nag-bike sila Dennis at ang dalawa nilang anak ni Jennylyn dahil may photos at videos na rin tayong napanood sa kanilang family bonding. Dahil nakapag-bike na sina Dennis at mga bata, ibig sabihin, laya na sina Dennis at Jennylyn at si Jazz sa quarantine.

Two weeks ding nag-stay sa condo sina Dennis at Jennylyn nang mag-positive sa COVID-19 ang mga kasama nila sa bahay. 

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with