^

Pang Movies

Angeline, sa maliit na bahay na nakatira!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Angeline, sa maliit na bahay na nakatira!              

Aminado si Angeline Quinto na malungkot din para sa kanya na lisanin ang unang bahay na naipundar niya na siyang naging tirahan nila ng kanyang inang si Mama Bob. “Sa totoo lang, ako honestly talagang nalulungkot ako na umalis doon sa naging dream house namin ni Mama Bob. Kasi after ko na nagkaroon ng trabaho sa ABS-CBN na regular na nanalo ng Star Power ‘yun ang kauna-unahang bahay na nairegalo ko kay Mama,” paliwanag ni Angeline sa guesting niya sa Magandang Buhay.

“So ngayon nu’ng nawala ang mama ko, siyempre parang ang hirap-hirap po na everyday na gigising ka roon sa bahay na nakikita mo sa bawat sulok ng bahay ‘yung memories namin together. So nahihirapan po ako,” she said.

Sa ngayon ay nakalipat na si Angeline sa isang 3-storey townhouse na mas maliit sa dati nilang tinirhan. Ito na raw ang magi­ging tahanan niya sa pagpasok niya sa bagong yugto ng kanyang buhay at ito nga ay ang pagiging isang ina. “Matagal ito. Kumbaga hindi siya parang isang gabi lang na desisyon sa akin na lilipat na ako. Hindi ganoon. Ang daming pinagdaanan, pinagdasal, kinausap ko ang Mama.

“Tapos parang sabi ko sa sarili ko mas gusto ko na mas simpleng buhay pero alam mo ‘yung masaya ako. Kasi sa bahay namin dati na medyo malaki, hindi kami masyado nagkikita-kita ng mga kasama ko.

“May mga kuwarto po na hindi nagagamit, doon ako nalulungkot, lalo na ‘yung kuwarto ng mama ko. Tapos sabi ko parang nahihirapan ako sa ganito.

“So sabi ko, ‘Ma, ituro mo sa akin ang gagawin ko. Kung kinakailangan ko itong gawin, ibigay mo na sa akin,” ani Angeline.

“So, may mga tao na talagang ginamit si Lord, natuloy siya. Siyempre malungkot para sa akin ang daming memories namin ni Mama Bob doon.

“Pero nang nabuntis ako parang ‘yon na rin ang naging sign sa akin na ah bagong buhay, bagong yugto ng buhay ko, bagong panimula at binigyan pa ako ng dahilan na magpatuloy, ginawa ko po,” sey ng preggy diva.

Nasa ika-pitong buwan na ang pagbubuntis ni Angeline at manganganak siya sa Abril. Boy ang gender ng first baby nila ng non-showbiz boyfriend.

Kim, kinantiyawang sumunod na kina Vice at Ion sa pagpapakasal

Isa si Kim Chiu sa masayang-masaya ngayong isang ganap nang mag-asawa sina Vice Ganda (which she calls Mama) at Ion Perez. Sa kanyang Instagram post kahapon ay binati niya ang dalawa at term nga niya, sobrang amazing daw ng love story ng newly-wed couple.

“A beautiful love story that has to be told. Super Happy for you mama @praybeytbenjamin and now papa @pereziion27

“You both deserve each other. Right Time, Right Person at the very Right Moment!!!!  Sobrang Amazing!!!!! cheers to forever!!! CONGRATULATIONS!!!!!!” ang caption ni Kim sa mga larawan nila nina Vice Ganda and Ion kasama ang It’s Showtime family.

Kinantiyawan naman si Kimmy ng kanyang fans na sana raw ay siya na ang sumunod na magpakasal with who else but her boyfriend, Xian Lim?

vuukle comment

ANGELINE QUINTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with