^

Pang Movies

Matapos ang breakup sa kabaro, Miss U PH Beatrice Luigi Gomez, may karelasyong DJ na lalaki!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Ah isang DJ, si John Odin, ang ka-date ni Beatrice Luigi Gomez last Valentine.

Posted sa Instagram account ni Miss Universe Philippines 2021 ang photo nila ng ka-date na maraming na-confuse dahil sa outfit nito.

Pero walang maka-comment dahil disabled ang comment box ng kanyang post.

Nalaman ang pangalan nito dahil naka-tag sa isang IG story ni Beatrice ang nasabing DJ na na-verify nang i-check ang account nito na isa ngang DJ.

Public knowledge na gumawa ng kasaysayan bilang unang miyembro ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community na kinoronahang Miss Universe Philippines 2021 si Beatrice at lumaban sa Miss Universe na ginanap last December sa Eilat, Israel na pumasok pa sa Top 5.

Last November nang ilantad ng ex niyang si Kate Jagdon na split na sila ni Beatrice.

Ate Girl Jackie, lider ng backstage kulitan 

Walang humpay na kilig ang handog ng ABS-CBN sa YouTube channels nito na magpapalabas ng bagong DonBelle videos at libreng romance movies ngayong buwan ng pag-ibig.

Habang hinihintay ang pagdating ng ikalawang season ng phenomenal digital series na He’s Into Her,  pwedeng tumambay sa panonood ng bagong episodes ng HIH Extras kada Lunes, 7 p.m. sa Star Cinema YouTube channel simula Pebrero 14. Dito, muling mapapanood sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, at ang iba pang stars ng serye na maglalaglagan ng mga sikreto, maglalaro ng sari-saring party games, at makikipagkulitan sa isa’t isa.

Si Jackie “Ate Girl” Gonzaga naman ang mangunguna sa backstage katuwaan at tawanan ng Showtime All Access kada Miyerkules. Samahan siya sa paglilibut-libot sa dressing rooms ng main hosts, guests, contestants, at staff ng It’s Showtime para magbigay ng challen­ges, makipagtawanan, at makipagkuwentuhan.

vuukle comment

BEATRICE LUIGI GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with